*Bay67club
Jed’s POV
“Dude! Wag kang nakasimangot! Lalayuan tayo ng mga chixs nyan eh” Dk. Lumapit sya sakin at habang pumaparty party. “Samahan mo kami sumayaw. Madaming Babes dun. Para naman makaranas ka magbinata”
“Hindi ok lang ako dito. Kayo nalang” tanggi ko sa kanya.
“Mamaya nalang ubusin ko muna tong iniinom ko” sabi ko. Lumapit nadin si Luis samin ni Dk.
“Ubusin? 2 hours na yang iniinom mo hindi manlang nabawasan” Luis
“Display lang yan ni Jed. Hindi naman kasi yan umiinom” aba! May concern pala sakin tong lalakeng to.
“Mamili ka uubusin mo yan o sasayaw ka sa dance floor?” Seryosong sabi ni Luis
“Ok. Ito na sasayaw na kesa malasing ako” napipilitan kong sabi. No choice kailangan ko umuwi ng matino, baka mapagalitan ako ni mom.
Pumunta ako ng dance floor. Grabe ang gulo. Di talaga ako pang clubbing! Bat pa kasi ako pumayag sumama? Celebration daw nga 1st day of school! Haist! Kung ano ano nalang dahilan para magclubbing.
Sayaw! Sayaw! Mahiyaing Sayaw! Wow ang ganda nung babae. Naka puting parang sandong sosyal na nakatucked in sa makinang na short. Short ba yun? Parang panty short na eh. Nakikita ko un sa sampayan namin. Pangloob sa palda nung mga kapatid ko pero di makinang.
Lumapit ako sa kanya pero nakita ko ung sapatos nya ang tataas naman ng takong! Lalapit pa ba ako? Baka maOrtho ako pag natapakan nya yung paa ko. Ganun din suot ng mga kaibigan nya, ang tataas din ng takong.
Tinignan ko syang mabuti. Grabe ang linis walang mantya ung kutis nya. Ang sexy! Perfect 10! Sarap tignan ng kembot nya! Nakakagigil! Naku nagiging manyak na ata ako! Iba ang epekto nya sakin.
Lahat silang magkakaibigan kinulang sa tela ung mga damit. Pero bakit ganun hindi sila bastusin? Parang models na lumabas sa magazine. Pag nilapitan mo hindi mo mamanyakin kundi sasambahin mo.
Hindi pala sila puro babae may kasama din pala silang lalake. Ang swerte nya nmn kasama nya yun magagandang babae. Pero parang hindi straight.
Gusto ko sya lapitan na parang hindi. Nahihiya ako, di ako bagay sa kanya! Kung sila Emman nga tingin ko di pasado sa kanya ako pa kaya?
Tsk! Paalis na! Lalapit ba ako? Bahala na! Hinabol ko at hinawakan ko sa bewang. Grabe parang umiikot ang tyan ko! Parang may kumikiliti galing sa loob. Hindi ko mapihilan ipatong ang ulo ko sa balikat nya.
Nakabackhug ako ngayon sa kanya! Ang sarap sa feeling! Heaven! Eeeeiiiiihhhh kinikilig ako. Pag nalaman to nila Dk aasarin talaga nila ako. Sigurado yun! Haharap na sana sya pero...
"Lets just stay like this for few more minutes" sabi ko.
Hindi sya sumagot pero pinatong nya ung mga kamay sa braso ko. Parang yakap nya ung braso ko. Ang cheezzyyy!!! Sweet dance sa party song!!! Parang may sarili na kaming mundo. Heaven talaga!!!
Cha's POV
Nag eenjoy kami ngayon na sumayaw. Wooohhhoooo Party! Party! Sayaw! Sayaw pa more! Nakakamiss magparty grabe! Ilang buwan din kaming nakakulong. Susulitin ko na hanggan 12mn ilang oras nalang naman.
Dance! Dance! Chug!chug! Woohoo shake it! Jed?
Tinignan ko ng mabuti ung kamukha ni Jed. Si Jed nga! Party goer sya? Di halata ah!
Grabe makatingin! Naakit kaya sya sakin? Hmm. Harot mode on! Shake pa! Seductive dance! Teka? Bakit gusto ko sya akitin? Bahala na! basta dapat mapansin nya ako!
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomancePaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...