Carl's POV
Nagising ako na may kaharap na napakagwapong nilalang. Ngiting ngiting mukha ni Romnick ang sumalubong sa akin.
Nakaligo at nakaporma na siya agad. Excited much? 1st time to. Sa aming dalawa naman kasi ako lagi ang unang nagigising at nagrready.
"Good morning love! Happy Birthday love!" Sabi Romnick habang nakangiti.
Tama ba pagkakarinig ko? Bedroom voice ba yun? Grabe ang hot nya! Pwede mag stay nalang buong araw sa kama? Na kasama si Romnick.
"Good morning love and thank you" nakangiting bati ko din sa kanya.
"Maligo ka na love. Baba na tayo para makapagbreakfast na tayo agad" Romnick
"Ok love" ako
Inayos ko ang mga gagamitin ko sa pagligo at sa morning rituals ko, pati na din mga damit na isusuot ko. Nang makumpleto ko na ay binibit ko ang mga inayos kong gamit at pumuntang banyo.
Paglabas ko ng banyo ay nakaready na ako.
"Tara na?" pag aaya sa akin ni Romnick.
"Ok. Gutom nadin ako eh" ako.
Naglalakad kami sa hallway ng 1st floor ng may bigla kaming nilikuan.
"Teka lo.. Romnick papuntang events area to dapat dumeretsyo tayo papuntang cafeteria" ako.
Muntik ko na sya matawag ng love sa Public. Pag kasi kaming dalawa lang at pag sa loob ng room lang kami pwede magtawagan ng love ang tawagan namin pero pag nasa public na pangalan lang.
"Alam ko. Pero dito tayo kakain ngayon" sabi nya sakin sabay bukas sa isa sa kwart dito sa events area
Pagpasok namin ay nakita ko ang isang lamesa sa pinakagitnang parte ng napakalaking kwarto na pinasok namin. Italian food ang nakahanda at kung di ako nagkakamali ay bote ng Chardonnay ang nakikita kong bote sa lamesa. Maaga agang alcoholic drink yun ah.
Naglakad na kami papunta sa lamesa.
"Mukhang mabubusog ako ngayong umaga" ako
"Masaya ako nagustuhan mo" nakangiting sabi ni Romnick
Inalalayan ako umupo ni Romnick. Nang makaupo na ako ay sya naman ang umupo dun sa upuan sa harap ko.
"Gustong gusto. Ikaw nagready nitong lahat?" Ako
"Tinulungan ako ng PJewels at ni Mike" sabi ni Mike
"Kung ganun nasan sila? Bakit tayo lang?" Tanong ko.
"Breakfast date. Para masolo ng birthday celebrant ang isang gwapong nilalang na tulad ko" mayabang na sagot sakin ni Romnick.
"Conceited much! Kain na tayo gutom lang yan" ako.
Habang kumakain ay kinuwento ni Romnick sa akin na plano lahat to ng PJewels at Mike. Dahil din sa birthday ko kaya binigyan ni Cha vacation trip sa Boracay ang GS.
Plano din nila ang breastfast date. Gusto daw nila na makapagsolo moment muna kami ni love. Pagkatapos nalang daw namin magmoment sila aappear.
Kinuwento pa ni Romnick kung pano sya nagulat nung kinausap sya ng PJewels at Mike tungkol sa plano about this, sa breakfast date namin. Pinagtapat nila kay Romnick na alam nila ang tungkol sa amin. Tanggap daw nila kami lalo na daw si Cha at masaya pa nga daw sila para samin. Binantaan pa sya ni Cha na kahit magpinsan sila ay ipapabugbug daw sya ni Cha pag sinaktan nya ako.
Aw! Ang sweet! Touch ako. Ang mga kaibigan ko talaga napaka maaalahanin.
Dati natatakot ako na baka hindi nya kami maintindihan. Alam ko naman na tanggap nya ang pagiging gay ko kasi alam ko na niyakap nya yun ng buong buo. Ang di ako sure eh kung matatanggap nya ang relasyon namin ng pinsan nya. Nabunutan ako ng tinik ng nalaman ko na tanggap nya kami atleast di ko na kailangan maglihim sa kanya at di ko na kailangan mag alala na baka magkagalit kami.
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomancePaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...