Chapter23 (M.U.) Malanding Ugnayan

29 0 0
                                    

SLDU Quadrangle

Emman's POV

Second day ngayon ng Foundation Day ngayon. Nakatambay na kaming GS dahil manunuod kami ng Cheering Competition.

"Damn! Bro Ito ang gusto ko sa Cheering eh bumabaha ng Legs. Pare nasa langit nab a ako~" naamaze na sabi ni Dk sabay kanta sa huling part ng salita nya.

"Tama Dude, Pero ang KJ nung mga 2nd year nakapants. Sayang nandun pa naman yung mga kapatid ni Jed. Yung Ash at Jas" may panghihinayang na tonong sabi ni Luis

Nagnod lang ako at si Dk. Si Romnick naman tahimik lang at si Jed mukhang nabahala ng narinig ang pangalan ng mga kapatid.

"Uy! Uy! Wag yung mga kapatid ko kundi susumbong ko kayo sa mga kaibigan ni Cha" Pagbabanta ni Jed

"Wag! ito naman di mabiro" kabadong sagot ni Emman

"Oo nga Joke lang yun" pagsang ayon ni Dk kay Emman

"Edi magsumbong ka" walang kagana ganang sagot ni Luis

"Ito naman porke wala dun sa grupo ni Cha ang gusto mo" patampong sabi ni Dk kay Luis

"May nagugustuhan kana? Sino naman yung kawawang babaeng yun?" gulat na sabi ni Jed

Halata din ang gulat sa mga mukha naming ni Romnick. Paano ba naman hindi naming inaasahan may nagugustuhan na pala si Luis. Ang alam namin para sa kanya laruan lang ang mga babae.

"Hahahaha kawawang babae Jed? hahahaha Bro mukhang tablado ka na agad. Ayaw ni kuya sayo" pang aasar ni Dk kay Luis.

"?????" naguguluhang itsura namin Jed at Romnick

"Di nyo gets? Isa lang naman sa mga kapatid ni Jed ang sinisintang wagas ni Luis" Dk

"Tsk! Ang daldal" inis na bulong ni Luis

"Hahahaha... lalim nun ah! Sinisintang wagas" natatawang sabi ko.

"Hoy Luis! Timino ka muna bago mo ligawan ang isa sa mga kapatid ko" may tonong pagbabanta na sabi ni Jed.

"Tsk! Di mo na kailangan sabihin yan. Una palang tablado na ako ng katid mo" inis at malungkot na sagot ni Luis kay Jed.

"Sino ba kasi sa mga kapatid ni Jed ang pinag uusapan natin?" tanong ko.

"Si Jas" panlalaglag ni Dk kay Luis.

Haist hilig talaga pagtripan nitong si Dk si Luis. Manlaglag daw ba at ibunyag ang sekreto ng kapatid.

"Hahahaha tatablahin ka talaga nun. Lagi mo inaaway eh" biglang sagot ni Romnick at aba tumatawa pa mukhang makikiasar na rin tong rechked kolokoy na to.

"Ang sabihin mo lagi nagpapapansin" inis pa ding sabi ni Jed.

"AYYOOOOWWNNN! binata ka na Luis. Pero seryoso baguhin mo style mo para mapansin ka ni Jas" payo ni Dk kay Luis.

"Tama, tama ang babae dapat minamahal hindi iniinis" pag sang ayon ko kay Dk.

"Nagsalita ang hindi nang aasar sa loves nya" inis na sabi sa akin ni Luis

"Inggit ka lang kasi kami nasa MU stage na kami" pang aasar ko kay Luis

"Mutual Understanding?" sabay sabay na sabi nila Dk,Luis,Romnick at Jed halata din ang gulat sa tono nila.

"Hindi pa. malanding ugnayan palang" sabi ko sa kanila

"huh?"sabay sabay ulit silang nagreact. Uso ba magsabay sabay ngayon?

"We don't say I love you to each other. Basta! Ewan yun ang trip nya eh, kaysa naman sa wala edi oks nadin sakin" paliwanag ko.

" Ano yun? Labo brad!" naguguluhang tanong ni Dk.

Bitch Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon