*Carl’s Room
Carl’s POV
Si Emman at Syn mukhang may something na base dun nakita ko sa video.
Next GS member!
Dk known as “sports legend” napakagaling sa sports. Sports din ang dahilan kaya nakasama sila ng kambal nyang si Luis sa DS. Sya ang laging kaaway ni Arianne. Para silang aso at pusa kung mag away. Ilang beses na ngang kinailangan ni Cha ipagbawal ang tinidor sa canteen dahil ilang beses nang pinagtangkaang tusukin ni arriane ng tinidor ang mga kamay ni Dk. Umorder na din si Cha ng libo libong plato at baso dahil sa madalas batuhin ni Arianne ng mga un si Dk, nasa isang daang plato at baso na ata ang nabasag ni Arianne. Haist! Buti nalang at minsan nalang sila magkita dahil parehas silang busy. Si Dk busy sa practice ng kung anong sports at syempre busy din sya sa pagyayabang. Si Arianne naman busy sa pagmamanage ng Philippine branch ng company nila.
Speaking of Arianne ayun nag ala cavewoman nanaman sa office nya! Ano paba? Edi ayun nagpapakabaliw nanaman sa pagttrabaho dahil napagalitan nanaman sya ng parents nya. Madalas na syang mag cut at magabsent. Hindi na namin sya madalas kasama, mas nakakasama pa nga namin si Mike at GS kesa sa kanya. Nakakamiss din sya, walang makulit.
One day pinagsabihan ko si Arianne na may mga nakakahalata na lagi sya absent. Kaya pinilit ko syang pumasok. Dahil nahalata kong pagod sya nag alala ko kaya napagpasyahan kong bantayan sya dahil malamang matutulog lang sya sa Classroom o kaya sa kung saan saan.
*3-1 Diamond
“Ang tagal naman ni Ma’am!” bored na sabi ni Syn.
“Oo nga! Excuse lang. MagCCr lang ako” sabi ni Arianne, halatang antok.
Sinundan ko si Arianne kasi nakahalata ako kanina na tumatakas lang sya sa amin dahil gusto nyang matulog kung saan. Tama nga ako! Nakita ko syang natutulog sa likod ng puno sa garden ng may lalakeng lumapit sa kanya si Dk. Naku! Away nanaman to kaya binantayan ko muna sila.
.
.
.
Ilang minute na ang lumipas at hindi padin sila nag aaway? May something ba? Makasilip nga!
“hssss... I’m proud of you my Princess and I love you my Princess. Tulog ka na” sabi ni Dk kay Arianne na nakaunan sa binti nya.
Ano to? Another PJewels and GS loveteam? Pano ang disguise naming? Ang kukulit mga sakit sa ulo! No wonder na dadating ang araw na itong mga babaitang ito na ang mismo ang mag expose ang identity namin. NAKAKASTRESS!!!!
*SLDU
Arianne’s POV
Napipilitan ako pumasok! Sabi kasi ni Carl may mga nakakahalata na lagi akong absent baka magtaka sila kung pano ako naging scholar. Problema ba yun? Edi tataasan ko nalang yung Exams ko pero mapilit si Carl kaya pumasok ako. Inaantok ako magcut nalang ako ng morning class, makatulog na nga lang dun sa Garden.
~whole scene dun sa nakita ni Carl na magkasama si Arianne at Dk~
*SLDU Garden
(A/N ang mga nakabold at thoughts ni DK at ang mga nakaitalic ay thoughts ni Arianne)
Ang sarap matulog dito. Buti nalang may malaking puno dito. Makakasandal na ako hindi pa ako mapapansin kasi nakatago ako dito sa likod.
“Uy! Long time no see MissA!” mapang asar na bati ni Dk
(A/N short for Miss Amazona)
Bakit ba ngayon ko lang nakita tong babaeng amazona na to?
Hai! Nandito nanaman tong lalakeng to! Sira nanaman ang araw ko!
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomantiekPaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...