*SLDU Quadrangle
Cha's POV
Sa wakas tapos na ang 1st Grading Exam sa music, tapos na ang program. Ang gagaling kanina nila Syn, Arianne at Carl. Kay Carl angdaming nagtiliang mga babae pano ba naman pang cassanova ung dating ni Carl kanina. Cassanovang oily. Kung hindi lang kami nakadisguise sisikat tong si friend sa buong mundo, gwapo at magaling naman kasi talaga sya. Di ko to sinasabi bilang kaibigan ah... totoo magaling talaga sya.
Si Syn at Arianne ayon nag ala acoustic diva.
Kaya naman angdaming mga boys na nagkacrush sa kanila, ganun din sakin kahapon may mga nagkacrush din kahit na dark and oily ang peg namin sa pagddisguise. Ganun talaga likas na samin maging maganda at magaling eh. Wohhhooowww!!! Yabang ko! Matatalo ko na ata sa kayabangan si DK.
(Author: hoy cha! Wag mo nga dinadamay dyan si DK malabs!
Cha: landi mo! Isumbong kita sa totong Jed eh!
Author:wag! Sige na galingan mo nalang paglandi mo dyan
Cha: Author!!! Hindi ako malandi
Author: geh lang sabi mo eh)
Bwisit tong author na to. Bigla biglang sumusulpot.
Nandito ako ngayon sa sulok ng quadrangle hinihintay si Jed. Siguro naman mahahanap nya ako agad dito, kung talagang nag effort sya kilalanin ako dapat alam nya na madalas nasa sulok sulok lang ako. Mahiyain kasi ang acting ko sa disguise namin.
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt
Tunog celphone ko yun nakavibrate kasi.
From Jed to Cha
Cha yung date natin remind ko lang po. San ka? puntahan na kita para makapagdate na tayo. Medyo nagger ba? Excited na kasi ako.
Hindi ko nireplyan kasi sayang load piso nalang eh laman nitong sim na gamit ko dito sa disguise phone ko. Hindi ko alam model nito basta ang alam ko ito ung tig 1500 pesos na cellphone.
Once a week ko lang to pinapaloadan ng 30 pesos sa secretary ko. Kailangan padin kasi loadan to pang reply sa class president naming masipag magGM tungkol sa kung anong tungkol sa acads and activities, ang malupit pa dun nagdedemand sya ng reply para daw pag may nagsabi na hindi sya nagGM tungkol sa activity may katibayan sya na ipapakita kay Ma'am na nainform nya lahat kami.
Syempre iba din yung totoong phone ko. Hindi ko na sasabihin ang unit basta latest phone sya. Kailangan ko pa magtago kung saan saan para lang magamit yun. Sino ba naman ang hindi magtataka kung ang isang 'G na G na working student' ay may latest phone. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw.
"Cha, sabi ko na nga ba nasa kung saan corner ka lang na walang tao" Jed
Napatingin ako kay Jed. Wow ah medyo mabilis nya akong nahanap.
"Hi Jed. Pasensya ka na ah. Wala kasi akong load kaya hindi kita mareplyan" paliwanag ko.
Duh ako walang load? nakaline kaya ako. Hehehehe yabang. Hindi mo pwede malaman ang private number ko.
Saka drama ko lang na walang load para malaman ko kung pagttyagaan nya ako hanapin.
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa park lang para malapit lang saka sayang oras sa byahe kung magmmall pa tayo, 2 hours and 30 mins nalang kasi ang natitirang oras" Jed
Grabe nakunsensya naman ako sa sinabi nya.
"Ok lang ba sayo? Binibilang mo kasi kada minuto. Feeling ko tuloy kulang yung oras, baka mabitin ka sa date natin" Ako
"Honestly kulang nga, pero sweet naman sa park eh. Sa wala naman sa oras yun ang importante ikaw kasama ko sa date. Hindi ko lang sure kung kakayanin ko ipakita na mahal kita sa loob 2 hours and 30 mins" Jed
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomantizmPaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...