Chapter 8 : Kiss!

65 0 0
                                    

*Carl’s Room

Carl’s POV

Isang  buwan na ang nakalipas mula nang bumalik si Mike.

 Wala namang importanteng nangyari buong buwan, pareparehas lang ang ginagawa. Gigising,linis ng katawan, tulong tulong magdisguise, papasok, magkikinig sa discussion, lunch break, uwian, tambay sa room ng isa samin dito PJewels Mansion, gagawa ng assignment kung meron.

 Lagi na naming kasama si Mike na nakikitulong nadin sya sa pagddisguise at lagi din namin sya kasama sa pagtambay.

May mga gawain din kami na hindi acads related.

 Ang pagmanage ng mga hawak naming negosyo ng pamilya namin dito sa Pinas.

 Madalas pagdating ng 7pm nasa kanya kanya na kaming kwarto. Bago matulog kanya kanya na kaming diskarte kung panu tatapusin ang resposibilidad nmin sa ng kanya kanya naming kumpanya. Basa ng papeles na kailangan aralin mabuti bago kami pimahan, tawag dito tawag dun, utos dito utos dun, minsan may pagkakataon na nagccutting kami o umaabsent kami pag importanteng meetings at gawain.

 Hindi kami napaparusahan kasi alam na ng mga teachers kung sino kami at pinagbawalan sila na pag usapan at ikalat ang tungkol sa totoong pagkatao namin.

Kinumbinsi ko ang mga kasama ko PJewels na kailangan namin makihalubilo sa iba kung gusto naming magmukha kaming normal na tao sa lipunan. Mas mahahalata kami pag may naghinala samin na lumalayo sa iba dahil may tinatago kami.

Madalas magtagpo ang landas ni Cha at Jed na naging dahilan para lagi naming makahalubilo ang mga kaibigan ni Jed na taga GS. Ngayon alam na namin kung ano ang madalas naming marinig na Golden Section o GS. Kahalubilo namin sila pero di namin sila tunuturing na kaibigan. Hindi padin kami marunong magtiwala ulit.

Dahil madalas na namin kasama ang mga kaibigan ni Jed, kailangan ko silang makilala ng mabuti. Pinaimbestigahan ko sila sa private imbestagator na kilala ko at pinatulong nadin ni Mike ang mga private imbestigators na kilala nya. Wala namang kaduda duda sa background at ugali nila maliban kay Roselyn San Jose. Kung aaralin mabuti ang background nya at ang pagkakaiba ng ugali na pinapakita nya sa labas at sa loob ng SLDU, mahahalata mong may tinatago sya. Base din sa nakikita ko sa kanya hindi nga siya mapagkakatiwalaan.

Minumuni muni ko ngayon kung ano na ang epekto ng bawat isa sa kaibigan ni Jed samin. Kailangan maging maingat dahil lagi namin sila nakakahalubilo.

Umpisahan ko kay Emman.

Si Emman, ang lalakeng lihim na nagpapakulo sa dugo ni Syn.

Napaka vocal nya sa pangliligaw kay Syn. Dati ramdam ko balak nya lang gawing trophy si Syn isama sa collections nya,  pangarap  ata  nyang makapag paOO ng hard to get. Well hindi lang hard to get si Syn dahil hard naman talaga sya. Literal na hard! Hard magsalita at mambara lalo na kay Emman. Hard din na mapalabas ang emosyon ni Syn, kaming PJewels lang ata ang binigyan ni Syn ng karapatan na makakita ng emosyon nya.

Sa ngayon sa tinggin ko totoong mahal na nya si Syn, kasi pilit nyang tinitiis ang sakit ng mga salita ni Syn sa kanya. Kami ngang nakikipakinig lang sa mga sinasabi ni Syn sa kanya sobrang nakikidalamhati na sa kanya na parang gusto na namin na magvolunteer na lumaslas sa lalamutan nya para matapos na ang paghihirap nya. Pano pa kaya ang nararamdaman nya na mismong sinabihan ng mga salitang yun, isama mo pa ang walang emosyon na mukha ni Syn na parang walang pake sa kanya.

Isang araw pumasok ako sa kwarto ni Syn. Hihiramin ko sana ung tablet na ginamit nya panghack ng mga CCTV sa SLDU. Gumawa si Syn ng program na automatic na narerecord sa tablet lahat ng nakukuhaan ng mga CCTV sa SLDU para kung sakaling kailanganin namin pwede naming ireview mga ung videos. Nang buksan ko ang tablet tumingin tingin ako ng mga video na nakarecord dun. Record ung ng mga videos sa bawat CCTV ngayong buong linggo, buti hindi pa nalilipat ni Syn ang mga video sa mas malaking memory storage. Lahat puro 24hrs ang length pero may isang katangi tanging video na hindi umabot sa isang oras ang length. Inopen ko yung video na un at nagulat ako sa napanuod ko. Video ni Syn at Emman!

Bitch Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon