Chapter 17: Basted?!!

29 0 0
                                    

Diaz Residence

Cha's POV

Kausap ko ngayon si Jed hiniram muna ako sa PJewels at kay Mike. Magsosolo daw muna kami para daw makadamoves sya.

Hindi ko maiwasan iimagine na baka may kilig surprise sya sakin. Iiiieeeehhhh landi ko naman hehehehe napapangiti tuloy ako.

"Cha may itatanong ako sayo pero sana wag ka magalit" Jed

Huh? Ano naman ikakagalit ko?

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya

"May chance ba talaga ako sayo?" Nahihiyang tanong sakin. Dapat lang mahiya ka no!

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Tsk! di makapag hintay!

"Its too early to answer that Jed" inis na sabi ko.

"Pero di mo naman ako pinapaasa diba?" Jed

Ano ba to? Si Jed ba to? Bakit parang ang insensitive naman nya! Ano gusto nya palabasin ngayon?!!! Naiinis na ako!

"Jed? Di ko alam na ganun pala kasama tingin mo sakin. Sana pala bago ako pumayag na ligawan mo ako inalam ko muna kung may tiwala ka sakin" sabi ko habang naiiyak iyak na ako pero pilit na pinipigilan ko.

"Sorry bothered lang ako" Jed

Bothered bakit? sige bibigyan kita ng chance magpaliwanag.

"Bakit ka bothered?" Pinilit sa sarili kong tinanong sa kanya.

"Kayo ba ni Mike? Sobrang lapit nyo kasi sa isa't isa at kung pag initan nya ako parang selos na selos. Kung di ko lang alam na kakakilala nyo lang at magkaibigan lang talaga kayo, matagal ko na inisip na boyfriend mo sya" Jed

Wow! Akala ko maayos pa pag hinayaan ko sya magpaliwanag. Mas lalo lang pala ako magagalit sakanya! Ganun ba ako kasama? Oo nagsisinungaling ako sa pagkatao ko at minsan nakakagawa ako ng masama para gumanti pero as far as I know hindi naman ako ganun kasama na tipo na nananadya lang manakit na walang dahilan.

Gusto ko syang sigawan! Magwala at umiyak ng maingay yung parang nagttantrums na bata. Yung hagulhul! Pero hindi! Hindi ako mahina.

Lumapit ako sa kanya at para makapagsalita ako ng mahina. Ayaw ko makaagaw ng atensyon at gumawa ng gulo lalo na at importante araw to sa kapatid nya.

Pasalamat sya kahit papano nirerespeto ko ang pag imbita nila sakin at sa mga kaibigan ko kaya iniiwasan ko pa din mapahiya sya sa sarili nyang pamamahay.

"Sa tingin mo kung boyfriend ko sya magpapaligaw ako sayo? Kanina indirectly pagbintangan mo ako na pinapaasa lang kita tapos ngayon pinapalabas mo na, niloloko kita? Na two timer ako? Isipin mo nga kung talagang boyfriend ko sya, ganun ba sya kamartyr sa akin para hayaan lang na may nanliligaw sakin? Kasi kung lalagay ako sa sitwasyon ni Mike na sinasabi mong boyfriend ko malamang nabugbug nakita at ang sarili ko" mahina, mahinahon pero may diin kong sinabi ang bawat salita.

Galit na galit na talaga ako. Gusto ko nang magwala! Pero nagpipigil lang talaga ako.

Mukhang namang nakahalata sya na ayaw ko makaagaw ng atensyon kaya lumapit sya sakin at mahinahon din nya akong kinausap.

"S-sorry kung na offend kita. Kung naparanoid ako kasi sa totoo lang mahal na mahal talaga kita at hindi ko maisip ang future ko na hindi ko napapakita ang pagmamahal ko sayo. Natatakot lang ako na baka hindi ako mabigyan ng pagkakataon" Jed

"Well simulan mo nang tangapin ang future mo na wala ako at na galit ako sayo. Itigil mo na ang panliligaw mo sakin. I can't see myself as your girl. Ano ba yung tamang term? Basted kana! Kung ngayon na nanliligaw ka palang wala kanang tiwala sakin at ganyan na kasama ang tingin mo sakin pano pa nalang kaya pag naging tayo na at may karapatan kana pakialaman ako baka pagbintangan mo na ako ng mas malala. Murderer, rapist, thief, o baka isipin mo may asawa na ako at anak o baby maker" sabi ko habang pinipilit ko ngumiti.

Bitch Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon