Jed' POV
Nagkanya kanya na kaming lakad ng mga kaibigan ko mula nung dumating ang grupo ni Cha.
Naiisipan nalang namin ni Cha na magmasyal nalang at wag na manuod ng cheering competition saka wala naman kaming gagawin ngayon sa University.
Ayos to kasi ngayon makakapagdate na talaga kami sa mall dahil lunch time pa lang.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasan mapaisip kay Cha parang first time kasi kung sumakay ng bus.
"Bakit sumasakay pa sila, Jed? Ang hirap na nyang nakatayo" nagtatakang tanong ni Cha.
"Ganyan talaga ayaw na kasi nila maghintay ng susunod na bus. Kasi ganun din naman, malamang sa malamang tatayo din sila dun. May mga bus stop na talaga na di maiiwasang tayuan na talaga" paliwanag ko.
"Ganun ba? Ang hirap naman ng pwesto nila. Saka pati yung kumukuha ng pamasahe ang hirap ng trabaho nya. Hindi ba pwedeng bago pumasok magbayad na?" Pagtatanong ni Cha sakin.
"Hindi ubra kasi dagsaan ang tao kada bus stop. Matatagalan ang pagparada kung sa entrance palang magbabayad na. Magrresulta lang ng trapik. Saka di naman tayo tulad ng ibang bansa na may loaded cards na pangbus na swipe lang ng swipe" paliwanag ko ulit.
Tumitig ako kay Cha nahihiwagaan na ako. Bakit parang first time nya sa ganito? Hindi ba sya nagccommute? O hindi pa sya nakakapunta sa mall?
"Nakapasyal ka na ba sa mall?" Tanong ko.
"Oo naman. Pero subrang minsan lang. Busy masyado eh saka walang budget" sagot ni Cha sakin.
Natahimik ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Kung nakapasyal na sya sa mall bakit parang first time nya lang magbus? Bus lang ang only way ng transportation galing sa amin papuntang mall kung magccommute ka. Pwera nalang kung nakakotse ka.
"Talaga? Sino kasama mo magmall? Commute lang din kayo?" Nagtatakang tanong ko ulit.
"Sila Carl, Arianne at Syn. Oo commute lang kami wala naman kaming sariling sasakyan" sagot nya.
Nakacommute lang sila. Bakit ganun? Parang di naman sya sanay magcommute. Ah! Ewan! Napaparanoid lang siguro ako kung ano ano na pinag iisip ko.
Tahimik lang kami sa byahe kasi pinaidlip ko si Cha habang nasa byahe. Isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko.
~Fast Forward
Naglalakad na kami ngayon dito sa loob ng mall. Ang cute ni Cha hindi ko akalain na mahilig pala sya sa mga damit at accessories. Habang naglalakad kasi kami napapansin ko sa kanya na humihinto sya para titigan ang mga nakadisplay na damit, shoes, bags at accessories. Kung kilatisin nya parang gusto nyang bilhin. Hindi nya binibili pero parang kinakabisado nya kung anong shop nya nakita yun.
Bibilhin nya yun? Ang mamahal nung mga items sa shops na yun ah?
"Napansin ko parang ang galing mo sa fashion. Yung mga tinitignan mo simple pero elegante at mukhang mamahalin" ako
"Ano. Ano kasi inaaral ko lang kasi diba empleyado ako ng boutique. Gusto ko pag may humingi ng advise ko na customer maganda yung maiadvise ko yung tipong magmumukha silang mamahalin at di cheap. Para naman matuwa sila sa serbisyo ko. Kaya kami nagmmall minsan nila Carl para aralin ang usong fashion. Pang hatak customer pag nalaman nilang magaling kami mag advise." Mahabang paliwanag nya sakin.
Ahhhh yun naman pala. Kung ano anong iniisip mo Jed para naman pala sa trabaho nya. Dedicated lang talaga sya.
"Ang swerte ng pinagttrabahuan nyong magkakaibigan noh. Ang sisipag at ang gagaling nyo kasi. Lagi nyong iniisip ang ikakabuti ng trabaho nyo" papuri ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomancePaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...