Cha's POV
Nasa airplane na kami. Private to hanggang 50 lang ag passenger na pwedeng sumakay. Maluwag naman kasi nasa approx. 30 kami.
Nag iisip ako ngayon ng paraan kung paano hindi patutulugin sa room namin si Jas ang kapatid ni Jed. Hindi ko naalala na wala pala saming PJewels ang pwede isama ni Luis kaya malamang magsasama sya ng iba. Ang mahirap pa dito kapatid pa ni Jed. Di pwedeng makasama sya sa amin sa kwarto dahil di kami makakapagtrabaho at baka mablow ang disguise namin.
May 3 hotel rooms para sa mga girls at may 3 hotel rooms para sa mga boys at 1 room namin ng PJewels, Mike at Romnick.
Sabihin ko kaya na dapat sa room sya ng girls? Pero mahirap yun kasi naiutos ko na dapat magkakasama sa room yung mga isinama lang. Pero kagaya nya isinama lang din ang role namin dito.
Tama naisip ko na. Nagtxt ako kay Romnick. Sya ang tatayong leader namin. Para may rules padin at di gagawa ng kalokohan ang mga kasama ko. After all students pa din sila ng school namin kaya pananagutan padin namin sila. Madali lang naman lusutan ni Romnick yun dahil kilala naman sya bilang pamangkin ng may ari ng school.
Maya maya pa ay biglang nag announce si Romnick.
"Girls may 3 rooms para sa inyo bahala na kayo pano kayo maghahatihati sa rooms. Isasama din group ng girls si Jas" pag aanounce ni Romnick.
"Bakit po? Ang alam ko po kasi sila ate Cha sa room" parang gusto nya ata sumama sakin.
Sorry Jas, lagi nalang kita kakausapin promise ko yan. Sabi ko sa utak ko.
Malapit ako sa mga kapatid ni Jed kasi madalas sila magtext sakin at syempre nirereplyan ko naman. Natuto na nga ako mag unli dun sa prepaid sim ko, napapasarap kasi kami ng text minsan.
"Masyado ka pang bata para sumama sa room ng ate Cha mo. Kaya sa room ka ng mga girls sasama" sabi ni Romnick.
"Masyado pong bata? Bakit may gagawin po ba silang masama?" Nagtatakang tanong ni Jas.
"Hindi naman sa ganun pero kasi sabi ng directress masama naman tignan kung hahayaan namin ang isang sobrang bata pa na tulad mo ay matutulog sa room na magkahalong matutulog ang lalake at babae" paliwanag ni Romnick
"Boys meron din kayong 3 rooms. Bahala nadin kayo pano maghahatihati. And guys please do consider to put Jas in a room next to Jed's room for him to be able to keep an eye on his sister" sabi Romnick
"Takte dude Rechked na rechked ah! English to the max! Nosebleed! Tagalog pleeeaaasssseee!" Sabi ni Luis kay Romnick habang pinupunasan ang ilong dahil nagnosebleed daw sya.
"Ramdam kita bro! Pwede palagyan po ng subtitle?" Pagsang ayon ni Dk
Tsk! Mga baliw talaga!
"Hehehehe sorry naman nadala lang sa acting ko. Kasi yung pinsan ko sabi magstrict daw ako" sabi ni Romnick
Aba! Sinisi daw ba ako. Eh sya nagsabi ittrain na nya mga english kasi nahihirapan sya makipag usap sa mga foreign business partners nya. Saka para maangas daw ang datingan nya. Haist Romnick! Romnick! Romnick! May Panahon talaga na sinasapian ng kambal ang loko eh.
"Pinsan? Yung directress ba? Akala ko di kayo close? Nagkita na ba kayo? Maganda ba?" Sunod sunod at excited na tanong ni Dk.
Aba hindi talaga maalis ang hilig sa maganda nito. Wala namang reaksyon si Arianne, mukhang sanay na sya na ganun si Dk.
Mukhang hanggang tingin lang naman si Dk kasi sa nakikita ko napakaloyal nya kay Arianne.
"Nakakausap ko lang sa phone. Hindi ko pa sya nakikita. Masyadong mailapsa tao eh" sagit ni Romnick kay Dk.
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomansaPaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...