Pagkahatid sa akin ni Jed pumasok na agad ako sa boutique. Tumawag ako sa mansion para magpasundo sa isa sa mga driver.
Fast Forward
PJewels Mansion
Nakauwi din sa wakas. Siguro magkukulong na muna ako sa kwarto. Tatapusin ko na lahat ng papers ko ngayong araw at pati nadin sa mga susunod pang mga araw.
Umaakyat ako sa hagdan pafirst floor papuntang second floor nang may may tumawag sa akin.
“Baby Princess” Boses ni Daddy yun ah!!! Nandito na agad sila sa mansion?
Akala ko mamaya pa sila uuwi dahilmanunuod pa sila ng events sa school.
“My Princess. How are you? Why don’t you face us? Come here my princess aren’t you gonna hug us? As far as I know we’re still your parents” sabi ni mommy.
Wala akong balak na harapin sila ngayon dahil ayaw kong Makita nilang mahina ako,. Dahil broken ako ngayon. Baka di ko mapigilan bigla akong humagulgul sa harap nila, Pero miss na miss ko na si mommy.
Dahan dahan akong humarap kila mommy. Nakita ko syang nakatingin sakin at nakapose na parang naghihintay ng yakap. Bumaba ako ng hagdan at agad kong niyakap si mommy. Si daddy niyakap din kami ni mommy. Ang haba ng braso ni daddy nayakap nya kaming dalawa ni mommy.
Habang nagyayakapan kami, nakaramdam ako ng warmth. Ang warmth ng pagmamahal ng mga magulang. Parang safe na safe ang nararamdaman ko ngayon.
“What’s your problem my princess? Bakit ka umiiyak kanina?” tanong ni mommy sakin habang nakayakap padin at himas himas ang buhok ko. Si daddy kumalas na sa yakap. Nangawit na siguro. Nasa gilid nalang naming sya ngayon nakikinig sa amin ni mommy.
“Wala po mommy, madrama lang yun kanta kaya nafeel ko” sagot k okay mommy.
“You’re not good in lying princess. I’m your mother, even though we don’t see each other a lot, I still know you. Very much know you” sabi sakin ni mommy.
“Konting problema lang po yun” sagot k okay mommy.
“Konting problema? Halos bahain mo na yung stage ng iyak mo kanina!” react ni daddy sa sinabi ko.
“Tell us your problem my princess. Umiyak ka sa amin. Pagbigyan mo kaming maging magulang mo kahit paminsan minsan.” Sabi sakin ni mommy
“Hindi masama ang umiyak baby princess lalo na sa harap naming ng mommy mo. Let us be the one who will wipe off you tears atleast until that special someone came” daddy
“…” hindi ako makasagot. Di ko padin alam kung hahayaan ko ang sarili ko na umiyak ulit. Kasi diba? Pangako ko sa sarili ko na hindi na ako ulit iiyak ng dahil sa kanya. Na hindi na dapat ako broken hearted na tanggap ko na kailangan ko na mag move on. Pero nasasaktan padin talaga ako, kailangan ko lang pigilan at hindi iwelcome ang pain na nararamdaman ko,
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomancePaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...