Chapter19: Accept the New You

49 0 0
                                    

SLDU Quadrangle

Cha's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung pumunta ako sa bahay ng mga Dizon, mula nung binasted ko si Jed. Hindi padin sya tumitigil sa panliligaw. Magkaibigan kami ngayun tulad ng pinakiusap nya sakin na sana kahit friend tanggapin ko padin sya pero minsan nagttry padin sya magpakasweet. Susundin ko ang sinabi ni Mike sakin pag napatunayan na ni Jed na may tiwala sya sakin ay bibigyan ko ulit sya ng chance.

Speaking of Mike dalawang linggo nadin na laging wala si Mike. Ngayon mayaman na sya kung kumilos, in short hindi na sya nagddisguise. Siguro nahirapan na sya umarte pero hindi nya padin pinapaalam na isa syang Samonte na sa ang heir ng 2nd Richest in Asia. Masyado nadin nya dinibdib ang pag aaral. Dati ako ang rank1 sa 3rd year ngayon nalagpasan na nya ako sya na ang rank 1 kasi talagang perfect lahat ng quizzes at exams nya. Isa na sya sa mga pinapadala ng school sa Quizbee contest kaya madalas na nyang kasama sina Jed at Roselyn. Sikat na sikat na sya ngayon dito sa SLDU. Ang daming nagbago pati nadin ang closeness namin nagbago pero minsan nagccare padin naman sya sakin.

Madaming nangyari sa dalawang linggo. Nasa courting stage na sila Syn at Emman at Arianne and Dk akalain mo yun dati puro sila war ngayon love love love na sila. Lagi ding magkasama si Romnick at Carl, naku may something na ata sa dalawang yun. Si Romnick sa PJewels Mansion na pala nakatira, isang linggo na namin syang kasama sa mansion.

~Flashback~ (nung araw na lumipat si Romnick sa PJewels Mansion)

Nasa van ako kasama si Daddy. Pumunta sya dito sa Philippines kasi nakita na daw nya yung nagiisang pinsan ko sa side ni Mommy.Kakatagpuin namin si Arnold sa isang coffee shop.

*Coffee shop

Pagdating namin ni daddy Coffee Shop na katatagpuan namin kay Arnold. May lalaki dun na halos kaedad ko nakatalikod na pamilyar sa akin. Nagtataka ako kasi naglalakad kami ni daddy papalapit kami dun sa lalakeng yun.

"Arnold?" Approach ni daddy dun sa lalake.

Humarap na sya sa amin.

"Romnick!?" Naisigaw ko sa sobrang gulat. Naguguluhan na ako at kinakabahan din na baka malaman nya ang sikreto ng PJewels. Sya ba? Sya ba si Arnold na pinsan ko?

"Miss kilala ba kita? May kahawig ka pero imposible kasi medyo dark ang balat nun saka hindi sya mayaman" naguguluhang sabi ni Romnick sakin

"Kilala mo sya?" Tanong ni daddy sakin.

Nag nod lang ako at nanatiling tahimik.

Cha kalma ka muna mangapa ka muna sa sitwasyon. Wag magpanic. Sabi ko sa isip ko.

"Mr. Devera, kilala nyo po ang parents ko? kaano po nila kayo?" Tanong ni Romnick kay daddy.

Nag usap sila ni Daddy. Kinuwento ni daddy na sya si Arnold ang anak ng kaisa isang sister ni mommy na si Tita Jenny.

(A/N si Cha na magnanarate)

Dati kasi may lalakeng obsessed na obsessed kay Tita Jenny. Nawala na daw yung lalake pero bigla nalang daw ulit bumalik pero nung time na yun may asawa at kakapaanak lang ni tita kay Arnold. Masyadong nasaktan yung lalake kaya nabaliw. Pinasok nung lalake yung bahay nila binalak silang patayin lahat ng nasa bahay. Napatay nung lalake halos lahat ng nasa bahay mga katulong, drivers, guards pati asawa ni tita buti nalang at nakatakas si tita at yung baby nilang si Arnold na 3 months old palang. Nagtago sila kung saan saan kasi alam ni tita na papatayin din sila nung lalake. May communication sya kila mommy at daddy nun pero hindi lumalapit si tita dahil natatakot sya na madamay pa ulit at saka buntis pa sakin si mommy nun. Tumulong sila mommy at daddy sa lahat ng paraan na kaya nila pero may time daw na nawalan sila ng communication ang last lang na alam nila mommy ay nasa Philippines si tita at Arnold. Nabalita nalang na napatay nung lalake si tita pero di kasama si Arnold. Nagpatuloy sa pagpapaimbestiga sila mommy at daddy ng nalaman nila na iniwan ni tita sa isang bahay ampunan si Arnold para sa kaligtasan nito. Minabuti na muna nina mommy na wag muna kunin si Arnold kasi nakalaya padin yung Psycho na obsessed kay tita. Paglipas ng isang taon nalaman nila mommy na naampon na si Arnold nag alala sila pero inassure naman ng head bahay ampunan na kilala nila na mabait na tao ang mga umampon kay Arnold. Madaming taon pa ang lumipas nabalitaan nila mommy na patay na yung Psycho na obsessed kay tita kaya napagdesisyunan nila na balikan ang bahay ampunan at ipakontak yung nag ampon kay Arnold at

Bitch Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon