Chapter20: Mike's Gf is ...?

45 0 0
                                    

SLDU Quadrangle

Jed's POV

Nandito ako sa quadrangle dahil ngayon ang opening program para sa Foundation week ng school namin.

Monday ngayon gaganapin syempre ang opening program, opening ng mga booths, lahat ng sports competiton ngayong araw din gaganapin.

Bukas Tuesday, sa umaga interpretative dance  competition per year level ang laban mula 1st year high school hanggang 4th year college. Sa college sila na bahala magpaaudition kung sino isasali nila sa mga ka year level nila kahit anong course bahala na sila dun. Sa hapon Mr. And Miss SLDU.

Sa Wednesday, sa umaga Cheering Competition per level ulit ang laban tulad din sa interpretative dance. Sa hapon ay ang announcement of winners, bigayan ng medal sa sports, sino ang 3rd place, 2nd place, 1st place at Champion sa Interpretative dance at cheering, at awarding ng Mr. And Mrs SLDU.

Sa Thursday at Friday programs ang competition para naman sa mga elementary students. Sports,interpretative dance at cheering. May sarili sila kasi hindi patas pag lumaban sila sa highschool at college. Walang pasok ang highschool sa dalawang araw na yun. Pwede manuod kung gusto mo. Ang college naman meron pasok. Hindi kasi pwedeng basta basta mag declare na walang pasok sa college.

Napansin ko sa stage na may nakaset up na grand piano kaya naman naisip ko na baka may number si Cha sa Opening program. Pumunta ako sa backstage, nakita ko si Cha. Sabi ko na at sya ang gagamit nung Grand Piano sa stage ang galing naman kasi nya tumugtog pati boses nya sobrang handa.

"Cha" ako

"..." cha

"Cha" ako

"..." cha

Bakit di ako pinapansin nito. Nilapitan ko sya, nakapikit. Baka natutulog. Tinitigan ko syang mabuti naka ayos sya ngayon, nakalugay lang at naka long dress na silver. Parang long sleeve sweeter tapos dirediretsyo ang haba gang bago mag paa, walang kahit na anong design. Pero bakit ang haba ng slit ng dress nya? Halos hanggan singit na! Tapos hapit na hapit pa sa katawan nya. Tsk! sobrang sexy naman ni Cha. Kaya lang baka naman mabastos sya nito!

"Baka naman narape mo na ako dyan sa utak mo" sabi ni Cha

Tinanggal nya yung earphones nya. Kaya pala di sya nagrereact hindi pala nya ako naririnig.

"Akala ko tulog ka. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero di ka sumasagot" sabi ko sa kanya.

"So pag tulog pala pwede ng titigan? Hindi talaga ako makakasagot kasi di kita naririnig kasi nakaearphones ako pinapakinggan ko yung piece na tutugtugin at kakantahin ko mamaya" paliwanag ni Cha

"Sorry na. Maganda ka kasi kaya di ko mapigilan tumitig. Saka mabait ako di kita kaya rapepin kahit sa isip lang. Hmmm...ilang kanta ba ang ipperform mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tatlo. Dalawa sing and piano. Tapos isang sing and Cello " Sagot nya sakin.

(A/N Cello isang malaking string instrument. Parang malaki malaking violin. Madami ang nagsasabing ang sexy tingnan ng isang babaeng nagpplay ng Cello. Madalas mag play ng Cello song si Cha sa New York lalo na nung It' girl days nya. Madami kasing lalake ang nababaliw sa kanya pag nagplay sya gamit yun)

Wow! Daming alam tugtugin ah!

"Wow! Di lang pala piano kaya mong tugtugin. Ano ano pang mga instrument ang tinutugtog mo?" Amazed na sabi ko sa kanya.

"Madami. Music lovers kasi parehas sa parents ko kaya yun pati ako nahilig. Bonding na kasi namin tumugtog pag nagkakasama kami. Minsan lang yun sa isang taon kaya tinitreasure ko. Pinilit ko ang sarili ko matuto tumugtog ng ibat ibang instrument para everytime na magkita kami mapapasaya ko sila" mahabang kwento ni Cha

Bitch Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon