Jed's POV
Naglalangoy kami nila Dk at Emman ng dumating ang mga mahal namin. Sila Cha, Arianne at Syn. Si Jas nga pala? Hinanap ko sya at mukhang naging kaibigan na nya ang mga babaeng classmates ko sa GS. Tinignan ko kung ano outfit nya at buti naisipan ni Jas patungan ng short ang 1piece swimsuit nya.
Sila Cha naman naka 1piece swimsuit din. Halatang nagttrabaho sila sa isang fashion boutique kasi ang swimsuits nila ay Simple, elegante at di bastusin. Lalo silang nakakainlove lalo na at pinapatunayan nilang kaya nila maging maganda sa paningin at kagalang galang at the same time.
Tumakbo agad si Dk at Emman papunta sa sando nila. Pagkakuha nila ng sando nila ay agad agad din naman sila pumunta kila Arianne at Syn. Inabot ni Dk at Emman ang sando nila saga gfs nila.
"Baby suot mo to please. Ayaw ko pinagtitinginan ka ng ibang lalake baka agawin ka nila saakin" Dk
"Sayang naman to cute swimsuit ko kung tatakpan lamg ng sando mo" pagmamaktol ni Arianne
"Sige na please baby" pagmamakaawa ni Dk
"Pst possessive boyfriend. Sige na nga" sabi ni Arianne sabay kuha ng sando kay dk at isinuot.
"Babes suot mo din to oh. Tignan mo si Arianne sinuot na yung sando ni Dk" sabi ni Emman kay Syn
"Ayaw" maikling sagot ni Syn
"Please ayaw ko lang may makakita ng sexy body mo tapos aagawin ka nila sakin. Kakasagot mo lang sakin eh tapos aagawin ka nila agad sakin kaya please! Please! Please!" Pagmamakaawa ni Emman naka pusisyon pa ang kamay na parang nagdadasal.
"Sige na nga! Saka don't worry kung may magtangka umagaw sakin kasi hindi naman ako papaagaw" malambing na sabi ni Syn kay Emman.
"Ayyyiiiieeeee!!! Sabi ko na inlove na inlove ka sakin eh" Emman. Halata sa tono nya na inaasar nya si Syn pero mas halata sa tono nya na tuwang tuwa sya.
"Whatever" sabi ni Syn sabay layo kay Emman.
Ako naman ito tulala padin hehehehe minsan ko lang makita ng ganyan si Cha kaya susulitin ko muna. Saka iba sitwasyon ko kila Dk at Emman, sila boyfriend na, ako nanliligaw palang kaya wala pa akong karapatan.
Naglatag sila Cha ng malaking tela sa tabing dagat at naupo sila dun kasama si Dk at Emman. Tinignan ko naman ang paligid ko wala na pala akong katabi. Mukhang tanga na pala ako dahil mag isa akong nakatunganga dito sa dagat. Lumapit na ako kila Cha.
"Ops! Patulo ka muna ng short mo bago ka umupo dito" sita ni Syn
"Ok. Hehehe sorry lutang lang" sabi ko.
"Nahigh yan kasi nakitang nakaswimsuit si Cha. Hoy pare! Di mo ba bibigyan ng sando nililigawan mo? Dami na nakatingin sa kanya oh! Sige ka baka maagaw yan ng di ka pa nasasagot" Emman
Kinuha ko yung sando ko sa pinaglagyan ko kanina at lumapit kay Cha.
"Ano ahm... ano gusto mo isuot tong sando ko? Wag ka mag alala hindi to amoy pawis" sabi ko kay Cha.
"Bakit ko muna susoutin yan?" Tanong nya.
Sabi ko na nga ba wala pa ako karapatan magpossessive sa kanya kasi di pa naman ako boyfriend.
"Ano kasi madami nang nakatingin sayo eh" sagot ko
"Gusto mo suotin ko yan? Isuot mo sa akin" may pagkautos na sabi ni Cha.
Lumuhod ako para mapantay ako kahit papano sa kanya kasi naka indian sit sya. Lumapit ako sa kanya at dahan dahang shinoot yung sando sa ulo nya.
Nahirapan ako kaya lumapit ako sa kanya . Nang maibaba ko na ang sando sa may leeg nya napansin kong ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa, napalunok ako bigla dahila sa nattempt ako ikiss sya sa lips. Iniwas ko ang mukha ko kay Cha at tinuloy ang pagsuot ng sando sa kanya. Shinoot ko ang mga braso nya sa butas sa magkabilang gilid ng sando at binaba ang lalaylayan ng sando. Inaalalayan ko ang ang pagbaba ng laylayan ng sando ng matapat ako sa may bandang dibdib ni Cha. Ingat na ingat ako sa galaw ko kasi baka masagi ko ang dibdib nya.
BINABASA MO ANG
Bitch Within Me
RomancePaano kung ang taong minahal mo ay hindi mo pala totoong kilala? Paano kung ang isang nerd na tulad mo ang inibig ng isang Prinsesa? diba parang fairytale? Jackpot diba!!! pero pano kung di mo alam na Prinsesa pala sya dahil nagpapanggap syang isang...