Project Alamat

890 18 2
                                    


"PROJECT: ALAMAT"

"Magandang umaga po , Ginang Garao!" bati namin nanatiling nakatayo dahil sa pag-aantay ng prayer.

"Naku, kinakabahan ako sa project ko baka mali ito." na rinig ko mula sa kabilang row at alam ko kung sino ito kaya inalumana ko na lang.

Pagkatapos maglead ng prayer ng pala-absent naming kaklase ay pinaupo na kami.

"Ipasa sa harapan ang inyong proyekto tungkol sa alamat." seryusong utos ni ma'am kaya naman kinuha ko na mula sa aking bag ang aking project at ipinasa sa harapan.

"Okay. Simulan natin kay Garzon," banggit ni ma'am kaya naman ay buong kompyansiyang tumayo sa harapan si Jade upang damputin ang project kay ma'am at basahin ang kaniyang alamat.

"Ang alamat ng kuto...."

matapos ni Garzon ay si Gay sunod si Gesultura hanggang paubos na paubos na ang klase sa kakatawag ni ma'am at kinokoreksiyonan pa ni ma'am ang kanilang alamat kaya mas lalong nagpakaba sa mga kaklase ko samantalang wala lamang akong ganang nanunuod sa kanila.

"Jhon Marc," tinawag ni ma'am si Jhon Marc at napatuon ako sa proyekto niya.

"Magandang umaga po , Ginang Garao achuchu achuhu. Ito po ay alamat ng talong, noong unang panahon...."

Hindi ko namalayang natapos na siya dahil naboryo na akong makinig sa kaniya kaya hanggang tingin lang ako sa bintana kung saan may nagdedate na dalawang estyudante sa baba.

"Tutor!" bumalik ang atensiyon ko nang malakas na tinawag ni ma'am ang apilido ko.

Dali-dali akong pumunta sa harap at kinuha ang aking proyekto upang basahin sa harapan ng aking mga kaklase. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko.

"Magandang araw sa inyong lahat.

'Ang Alamat Ng Nakaraan'

Isang araw noon ay tahimik lamang ang isang dalagita sa isang sulok na umiiyak nang biglang may dumating at binigyan siya ng panyo para tumahana na. Pagmulat ng mata ng dalagita ay isa rin itong binatilyong nakangiti sa kaniya upang pangitiin siya at simula noon ay naging magkaibigan na sila. Walang kaibigan ang dalagita at lapitin rin ito ng mabubulas ngunit simula nang maging kaibigan niya ang binatilyo ay naging masayahin na rin ito. Isang araw na lang niligawan siya ng binatilyo na agad niyang sinagot dahil noon pa man may nararamdaman na siya para rito. Masayang-masaya sila— sa tingin nila ay sila ang pinakamasaya sa lahat ng magkasintahan sa mundo. Ngunit sa kabila ng ngiti ay dadating ang lungkot. Isang araw lang sa dapat na magiging monthsarry nila ay nakipaghiwalay ang binatilyo sa kaniya at sinabi nito na hindi naman talaga siya minahal ng binatilyo at napagtripan lang siya nito kaya simula noon ay ang dating sigla ay bumalik ang unang lungkot. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa dalagita ang alamat ng nakaraan ngunit mananatili na lamang itong alamat ng nakaraan kung bakit laking pinagbago niya."

Habang binabasa ko iyon ay umiiyak na rin ako dahil bawat basa ko ay bumabalik ang nakaraan kung paano ako mag-isa – nagkilala– nagkaibigan— nagka-ibigan— at nagkalimutan.

Hindi na lang umimik si ma'am at hindi na ako kinoreksiyonan kahit alam kong hindi yata alamat nagawa ko atleast nalabas ko ang nararamdaman ko at sa harap pa sa taong iniibig ko noon— si Jhon Marc.

[comment your thoughts please :<]
@GuwapongJhonMarc


-------------------------------------


COPY PASTE FROM MY FB ACCOUNT, BUT STILL MY WORK

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon