Third Wheel

93 4 0
                                    

siyempre imagination lang ang story na 'to, okay? Owrayt. Awts, gege. (𝙿𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚗𝚐𝚊)

------------------🆗-----------------

𝙏𝙝𝙞𝙧𝙙 𝙒𝙝𝙚𝙚𝙡

"SAMRAAAAA, kami na ni Timothy!" Parang nakalunok ng mikroponong sabi ni Genna hindi inilantana ang mga napapatinting tao sa kaniya.

Nandito kasi kami sa school's waiting shed.

"A-a—ano? Paano?" Gulat kong tanong.

Grabe ang speed, ha. Noong una sinabi niya lang na crush niya si Timothy at ngayon sinasabi niya na sila na?

"Ganito kasi 'yon!" Kinikilig na sabi ni Genna. "Nag confess ako sa kaniya na crush na crush ko talaga siya kaya ayon, sinabi niya na sige tayo na kaya pumayag ako kaagad!"

"Wow ha." Hindi makapaniwalang sabi ko. Speed..

Sa kabila nang nalaman ko, nasaktan din ako. Sa lingid ng kaalaman ng lahat, ako ang unang nagkagusto kay Timothy nang una ko siyang nakita sa sportfest, pero nagpaubaya nalang ako ng sinabi sa akin ni Genna na crush na crush at first sight daw siya kay Timothy. Wala kasi akong confidence magsabi ng mga crush ko kaya ang akala niya siya lang ang may crush kay Timothy.

Pero sila na.. Ano pa nga bang magagawa ko?

Pilit akong ngumiti.

"Alam mo ba na magde-date kami ngayon? Oh my god, it's our first date! Sama ka?" Pag-aaya niya.

Seryuso ba siya?

"First date niyo tapos isasama mo ako? Anong trip mo?" Nasabi ko lang.

"Ako naman ang lilibre, e." Wow. "Saka gusto kita ipakilala sa kaniya, as my best friend!"

Edi third wheel ang labas ko nito?

"Tara na.." Hinila niya ako at napanganga nalang akong nagpaubaya. "Mag cut class tayo!"

ILANG BESES na akong napapabuntung-hininga sa ilang ulit niyang pagsusukat ng damit.

"Samra, okay na ba 'to?" Ika labing-limang palit at tanong niya. "Ay, parang masyadong lusyang.. Ekis!"

Di ba? Nagtatanung-tanong siya tapos siya din ang sasagot. Parang tanga.

Napabuntung-hininga ako. "Baka pagpunta mo do'n sa date niyo.. Umuwi na siya?"

"Bakit naman?"

"Ilang oras na kaya tayo dito sa dressing room 'no?" Hindi ko mapigilang mairita.

Ako nga naka crop top na dirty white tas naka jumpeer na maong, di ba lakas maka jeje? Pakialam ko, pananamit ko 'to, e.

"Ay, gano'n ba? First date kasi namin 'to, e." nakasimangot na sabi niya, nahawa din ako sa kasimangutan niya. "Dapat bongga."

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon