COPY PASTE FROM FACEBOOK BUT STILL MY WORK
---------------------------------------------------------------------------------------
Tittle: My Gay Bestfriend
Genre: ROMANCE»»»
»»
"Fck them! They are all traitors, damn!" Pagwawala ko sa loob ng bahay ng gay best friend kong si Arthur.
"Easy lang beshy! OMG, nawawarak na buong sweetie home ko abaugh!" Balisa naman at panay ang reklamo nitong si Arthur o kilalang Thiara.
"Kasi naman, Arthur---"
"Wait wait wait, beshy? Who is the damned Arthur, beshy? I'm not Arthur anymore , okay? I am Thiara!" Maarteng sabi pa nito. Psh.
"Allright. Pinagtrayduran na ako nila Jennifer, Arianne , at Maxine , baka naman pagtataksilan mo rin ako?" Nakataas-kilay ko pang tanong.
"Siyempre hindi ano. Sinabi ko na sa 'yo na may nafe-feel ako sa mga traydor na iyon e! Ayan kasi ayaw maniwala hayst so that is your fault." Mayabang nitong sabi.
Ako nga pala si Jessica Walter I'm 18. Nagmula naman ako sa mayamang pamilya pero suwail ako at mas pinipili ko pa ang barkada ko kaysa sa pamilya ko at ang barkadang pinili ko ay pinagtrayduran ako. Sila Jennifer ay nakilala ko lamang noong first school of school dahil mga kikay sila ay nagustuhan ko silang maging kaibigan pero mas una ko pang naging matalik na kaibigan ang bakla kong kaibigan. Simula 13 ay magkaibigan na kami. Noong unang kilala pa namin ay lalaki pa siya pumorma ngunit nang tumagal ay napag-alaman kong malambot at baluktot siya at noong 2nd year high school namin ay nagpakatotoo na siya. Si Arthur Kakisigan ay nagmula sa panggitnang uri ng pamilya neither poor or rich tamang-tama lang. Nasa apartment kami niya at independent lamang siyang tumitira rito dahil ang kanyang pamilya ay nasa probinsiya samantalang ang kinasasama niya sa apartment na lola ay nitong buwan lamang namayapa kaya naman agad napamana ng maaga ang apartment sa kaniya at mga bayarin.
Tuwing may gulo sa amin dahil sa pagmamaldita ko ang apartment ni Arthur ang agad kong pinupuntahan para hindi naman ano ay ako na bumabayad sa mga bills niya kasi 2nd home ko na rin 'to. At siguro kung mawawala o magtra-traydor si Arthur sa akin ay tiyak kong hindi kakayanin.
"Arthur.." gumagaragal ang aking boses nang sabihin ko iyon.
Sumeryuso naman ang mukha ni Arthur.
"Bakit, beshy?" Limbag ang pag-aalala nito sa akin.
"Nakikiusap ako huwag mo akong iwan ha, please huwag kang tumulad nila Jennifer ..."
"Siyempre naman beshy hindi kita iiwan. Lab na lab kita e," masayang ani Arthur.
"I love you, Arthur." Sabi ko at linapit ang mukha sa kaniya.
Dumestansiya naman siya nang kunti.
"Ew beshy.. ang laswa pakinggan na tawagin mo ako sa pangalang iyan ano h-hehe." Medyo akward na turan nito.Agad rin akong dumestansiya.
"Sorry, Thiara.." paumanhin ko.
Mali naman talaga itong nararamdaman ko. Labis lamang akong nag-iisip nang kung anu-ano. Mali ang iniisip ko. Bakla siya. Hindi ako inlove.
»
Kinabukasan ay normal lamang ang pagpasok ko sa eskwelahan.
"Beshy, ba't nawala ka sa bahay?" Tanong ng katabi kong si Thiara. Si Thiara at Arthur ay iisa baka naman nakalimutan niyo.
"Umuwi na ako ng bahay," maiksing sagot ko.
Duon ako natulog sa apartment niya doon ako mismo sa kama samantalang siya ay sa sofa pero alas-4 palang ay umalis na ako duon na ako sa amin kumain, maligo, at magbihis. Buti na lang sila manang lang naruon kasi hanggang ngayon nasa work tour sila dad at mom , wala sa bahay as usual.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Tajemnica / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜