I GOT IT! [medj edtd]

817 17 0
                                    

[I Got It!]
𝘮𝘦𝘥𝘺𝘰 𝘦𝘥𝘪𝘵𝘦𝘥.

“Guys, look at this. I have my new cellphone and you know what? It's so imported talaga! So expensive!” Esemel.

pagyayabang ni Joy Alquirez sa buong mundo. Sinabi ko complete name niya, para i-bash niyo siya. Kagigil. Palibhasa siya ang pinaka maganda at pinaka mayaman sa loob ng classroom na ito. Halos lahat ng mga classmates namin ay nakikiusisa sa bagong cellphone ni Joy.

Pero inaamin ko, naiinggit talaga ako. Inggitira talaga ako, gois.

Habang nagpapasikat si Joy doon, heto ako, basang-basa sa ulan walang masisilungan— djks. Heto ako sa gilid, gigil na gigil na dinudumihan ang pangalan ni Joy Alquirez sa papel ko. Pinapatay ko siya sa isip ko.

“Saya well. Ako talaga yumaman, who you kayo sa ‘kin.” when kaya ‘no? tsh. “Ako naman ang kakainggitan niyo sa susunod,”

Tumawa ako nang sarkastikong mag-isa, na tila kinuhaan na ng bait.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si mama pero hindi na ako nag-abalang magmano, dahil para sa akin pagwawaldas lamang iyon ng oras kaya dumeretso na ako sa kuwarto naming tanging  kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan.

“Queen Noble Roselle,” rinig na rinig ang pagtawag ni mama ng buo kong pangalan. Kumain ka na.”

Kitang nagbibihis pa amp.

Oo, susunod lang ako,”

Pagkatapos makabihis ng pambahay na damit ay agad akong umupo sa harap ni mama. Wala nang dasal-dasal, kumain na agad.

Kami lang dalawa ni mama ang magkasama sa buhay at saka sa bahay, nag-iisa niya akong anak at si papa ay namatay nalang lahat hindi ko pa rin nakita sa personal. Wala naman na akong pakialam doon, babaero iyon, e.

Napangiwi nalang ako sa ulam namin. Ginamos.

Naalala ko tuloy si Joy, ang rangya-rangya ng buhay niya. When kaya ako maging gano'n?

Kamusta pag-aaral, ‘Nak?” tanong ni mama kapagkuwan.

“Wala namang bago, ‘Ma. Pasikat pa din sila— nga pala, ‘Ma. Bilhan mo naman ako cellphone, gusto ko imported. Iyong sobrang mahal, ‘Ma, ha?”

Aba, binilhan na kita ng liptint at polbos noong nakaraan, ah? Huwag naman abusado, ‘Nak. May babayarin pa ako para sa kuryente at tubig. Baka naman, ‘Nak?”

“ ‘Ma, birthday ko na ika-lunes, baka naman pang birthday lang?”

“Mag-aral ka ng mabuti—”

Oo naman, ‘Ma. Pero kailangan mo pa rin akong bilhan ng cellphone para sa pag-aaral. Sige na, ‘Ma? Pleaseeee? Pleasseee?”

Soft hearted iyan si mama. Tingnan niyo, papayag iyan. Pustahan.

Oo na, oo na,” napipilitang aniya. “Ano ba gusto mong cellphone?”

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon