Wattpad World

2.5K 25 19
                                        


copy paste from my fb acc. , Jhon Marc"Wattpad World"

@GuwapongJhonMarc ScarletRed318


"Bulaga!"

"Ay puking bulagta!" Bulalas ko halos mabitawan ko na ang cellphone na hawak ko dahil sa gulat.

"Hahahaha! Masiyado ka kasing focus na focus sa binabasa mong wattpad!" Ani ni Maemae, ang aking best friend.

"E kasi ang ganda na ng scene e gagahasain yata ni Catapang si Carmela." Nakanguso kong ani.

"What gahahasain? Bumabasa ka ng ganiyan? Ano ka ba, Venice." Aniya.

"Hindi naman ang ganda kaya ng story na ito inlove na inlove nga ako kay Juanito e marami na akong gustong maasawa sa wattpad." Ani ko napabuntong hininga, "Pero wala namang masamang mangarap di ba? Pero err , di ko talaga maiwasang masaktan kapag naiisip kong fictional character lang sila."

"Kung ako sa iyo tigilan mo na ang pagwa-wattpad at may gagawin pa tayong activity!" At nag patangay na lang ako sa kaniya.

SA MALALIM na gabi ay humihikab akong sumasagot ng homework ko tungkol sa Esp. Kahit sa homework hindi ko mapigilang ma isali ang wattpad.

Naalala ko ang binabasa ko sa wattpad gusto kong basahin pa kahit isang chapter na lang para malaman ko kung anong nangyari kay Carmela sa puder ni Catapang.

Agad kong dinampot ang aking phone at i-unlock ang lock screen at bumungad ang naka topless na si Knight Velasquez at akmang i-open ko na ang wattpad nang bigla akong nakarinig ng malakas na pagbulasok ng isang bagay mula sa himpapawid. Dahan-dahan ko itong sinilip at nakita ko ang isang meteor na paparating sa aking kinaroroonan.

Ayon sa kanila kapag may dadaang meteor ay maari kang humiling rito kaya naman pumikit ako at humiling ng taimtim.

'Sana..'

Ang huli ko na lamang naalala ang pagliwanag ng lahat dahil sa pagtama ng napakalaking bulalakaw sa aking kinaroroonan.

DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mata at tumambad ang medyo malabong imahe ng kisame.

"Why did you brought her here, you moron?" nakarinig ako ng isang malalim na boses mula sa di kalayuan.

"Yeah what if she is a killer or what she might harm us!" bulalas ng isa pang boses sa di kalayuan.

"Mag hunos-dili kayo mga ginoo, huwag kayong basta lamang magparatang sa magandang dilag na nakaratay sa kama dahil marahil siya ay karapat-dapat tulungan." Isang maginoong boses.

"Sesangheeee! Baka naman baliw iyan tulad ni Ysaaay? Nakuuu!" bulalas pa ng isa.

"Stop, I am just worried for her. Imagine she was just lying on the river side.. She was like dead for pete sake! What if someone chasing her?" ani ng panibago pang tinig.

Bumangon na ako upang malaman kung ano bang nangyayari sa mundo.

"Finally the lady is fcking awake," malalim na boses mula sa di kalayuan.

Lumingon ako at hindi ako makapaniwalang tiningnan sila. Ilang beses akong pumikit at dumilat upang masigurado ki na hindi lang ako nagmamalik mata. Sinampal ko rin ang aking pisngi upang malaman kung nanaginip lang ba ako.

"Are you insane, lady? Why did you slap your goddamn cheeks?" Pagtatanong sa akin ni Ezekiel Roswell.

"Totoo ba talaga 'to, asawaaa koooooo Zekeeee!" bulalas ko at paulit-ulit na lumundag sa kama dahil sa kilig.

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon