See the media photo🖕
“ My Queen ”
—GuwapongJhonMarc✍️Dedicated to Queen Noble Español Rosete
"Hello, girls," bored ko lang na bati sa mga best friends ko.
Kadadating ko lang at narito kami ngayon sa Angel's burger at kakadating ko pa lang. Dito namin napagkasunduan ng mga kaibigan kong sina Allice at Zyann para maglakwatsa.
Queen Noble Español Rosete ang pangalan ko, oh di ba? Pangalan pa lang lakas maka royalties? Sa katunayan niya isa naman talaga akong dugong-bughaw dahil isang Duke ang aking ama at ang aking ina naman ay isang Duchess sa Spain rin— basically taga Spain ako pero pinanganak lang naman ako dito sa Pilipinas , dito sa Luna Kalinga Apayao. Dito nila ako ginawa ewan ko sa kanila. Nirequest ko naman sa kanila bago ako mag eighteen ay maging normal student muna ako at dito ako sa Saint Luna College mag-aaral, public, sa Pilipinas— o di ba parang di royalties, pero gusto ko maging normal na tao muna ngayon.
"Ampots!" Gagang si Allice naitapon niya ang cellphone niyang Lenovo kaya ayon nabasag sa sahig.
"Bakit ko tinapon?" Nakakunot-noo kong tanong. "Nababaliw ka na ba?"
"Asus naglalaro lang iyan ng Granny." Umiling-iling si Zyann.
"Nagulat lang ako kasi nahuli ako ni Granny!" Napahalukipkip ito. "Kasalanan ito ni Granny sinira niya ang Lenovo kong cellphone na tag 500 lang dahil binili lang ni mama sa nakaw na mga cellphone—"
Napailing-iling nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Adik talaga ito sa Granny. Lakas loob maglaro ng Granny di naman kaya.
"Oh buti nakatakas ka sa mga bantay mo?" Asik ni Zyann. "Di ko talaga maisip na sa yaman niyo ay sa public ka lang nag-aaral."
Best friends ko sila Allice at Zyann kaya pinagkatiwalaan ko silang makapunta sa bahay— no masnsiyon namin. Iyong bahay— mansiyon namin dito sa Luna Kalinga Apayao ay hindi pa lang nangangalahati sa palasyo namin sa Espanya, isang besee pa lang ako nakapunta doon dahil wala akong kaibigan doon mabo-bored lang ako. Hindi ko naman nasabi sa kanilang dalawa na isa akong dugong-bughaw na anak ng mag-asawang Duke at Dukesa.
"So saan tayo ngayon? Bar?" Nakangiti kong sabi.
"Tanghaling tapat pa at magba-bar tayo?"asik ni Allice."Samahan niyo na lang ako bumili ng bagong cellphone at this time, cherry mobile naman bibilhin ko."
"Nakailang cellphone ka na ba sa isang buwan, Allice? At parang lahat na ng brand bibilhin mo. Pero teka may bar dito na kahit tanghaling tapat ay parang gabi pa rin dahil aircon at dim doon." Pahayag ni Zyann.
"Sige samahan muna natin si Allice para bilhan ng cellphone." Sabi ko.
Habang naglalakad kami ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin pero sa tuwing lumilingon ako ay wala naman akong nakikita.
--
Matagal kami bago lumabas mula sa tindahan ng mga cellphone dahil sa ka-OAhan ni Allice.
Pero pagkalabas ng pagkalabas namin biglang may humablot ng paper bag ni Allice na laman noon ang bagong bili ni Allice na cellphone.
"Ang cellphone ko!" Bulalas ni Allice habang nakatanaw sa kumakaripas na takbo na magnanakaw. "Ah bili na lang tayo ulit."
"Tae feeling rich kid ka gaga."
Pero napatigil kami ng nakita namin ang isang lalaking papatakbo patungo sa amin habang dala ang paper bag ni Allice.
"Miss is this yours, right?" Inilahad niya ang paper bag kay Allice pero napatingin sa akin ang lalaki. "Don't bother to that moron, I already done to him."
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜