“Boybespren”
—GuwapongJhonMarc"Samanthanga!"
"Ah!" Nagulat ako at agad napabalikwas mula sa pagkakaupo sa bench. "Roko, gusto mo ba akong patayin ha? Direktahin mo na!"
"Di kita gusto patayin, ayaw kong nasasaktan ang kaibigan kong tanga-tanga!"
"Sus, magsasabi ka pa ng sweet words may kasama pang lait!" Asik ko. "Oh anong ginagawa mo dito?"
"Laro tayo." Sabi ni Roko at ngumiti ng todo-todo.
"Busy ako , may gagawin pa pala akong homework!" At pinakita ko sa kaniya ang dala kong notebook na wala pang sagot ni-isa!
"Ano—"
"Hi, Samantha. Sali ka laro namin? Tagu-taguan?" Biglang may umeksena sa pag-uusap namin ni Roko , at ito pala si Juliane.
Nakita ko rin na kasama niya ang crush kong si Kevin.
"Sige sali ako!" Nagnining ang mata ko dahil kasama si Kevin my loves! Awoosh!
"Akala ko ba busy ka? Paano na 'yang home—" agad kong tinakpan ang matabil na bunganga ni Roko.
"Tumahimik ka." Bulong ko sa kaniya at binawi ang kamay ko at pinahid sa suot niya. "Kasali ba si Kevin?"
"Oo. Kasali ako." Nakangiting sabi ni Kevin my loves, oh my goshness his dimple is so yummy talaga! HAHAHA.
"Edi taralets na!" Masayang ani ko. "Oh , Roko, sali ka na rin sa amin."
Nakasimangot na tumango si Roko sa akin. "Sige,"
Nagtwenty-one kami at naging taya si Piggy na kasali rin sa laro namin.
"Tagu-taguan sa malinawag na buwan, sa pagbilang ko nang tatlo ay nakatago na kayo... Isa.."
Nakita ko si Kevin na nagtago sa likod ng mga bakal na mukhang yungib kaya pumunta ako roon para magtago.
"Bakit ka narito?"mahinang tanong niya nang pagkatabing-pagkatabi ko.
"Masama ba? Wala na akong makitang mapagtaguan e."
"Tatlo!" Sigaw ni Piggy at naririnig na namin ang tunog ng sandalyes niya na na sinusuyod ang buong mundo, esti buong paligid.
"Ow!" Daing ko nang may biglang paepal na lang na bumangga sa akin.
"Ssh," pag ssh ni Roko. "Baka matunton tayo, mahirap na."
"Bakit ka andito?" Naiinis kong sabi sa kaniya, paepal na third wheel 'to.
"Ayaw mo? The more the merrier?"
Tsk. Embes na magkakaroon na kami ng bonding mutual moments ng crush ko, si Roko umepal naki-third wheel pa sa lovelife namin ni Kevin my loves. Hay nako, Cardo— teka sino si Cardo?
"Oy Samantha!" Nakita naming sumilip si Cardo— esti si Piggy saka tumakbo.
Agad akong tumayo pero sa pagkatayo ko ay nauntog ako.
"Samanthanga talaga." Asik ni Roko at marahas niya ako hinila patayo.
"Tsk." Napangiwi ako. "Kasalanan mo kaya kung bakit—"
"Taya!" Masayang tumatalun-talon si Piggy. "Taya na si Samantha!"
"Oh tignan mo? Dahil sa iyo naging taya ako!" Humaba ang nguso ko dahil sa inis.
![](https://img.wattpad.com/cover/191287081-288-k269678.jpg)
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜