𝐅𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐋𝐚𝐬𝐭 𝐂𝐚𝐥𝐥
𝓐𝓭𝓿𝓪𝓷𝓬𝓮𝓭 𝓼𝓸𝓻𝓻𝔂 𝓯𝓸𝓻 𝔀𝓻𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓲𝓷 𝓵𝓪𝓶𝓮'𝓼 𝔀𝓪𝔂
----
"CHEERS. Cheers for our new successful investigation!" Malawak ang ngiti ni Andrea habang nakataas ang beer na hawak niya.
"Cheers!" Masayang sabi ng grupo, samantalang tanging ngiti at pagsabay ko lang sa kanila ang nagawa ko.
Sabay-sabay namin ininom ng ang beer na hawak namin at kaniya-kaniyang kuwento na sila, nakikinig lamang ako.
"Sa wakas talaga ay isang ganap na detective na ako e 'no?" Pagsisimula naman ni Justin sa topic. "Hahaha dati nanonood lang ako ng mga palabas ng Conan tapos ngayon parang si Detective Conan na ako! Hehehe."
"Detective Conan? Haha. Mukhang ang layo ah?" Singit naman ni Joshua. "Pero masaya ako na nasunod ko ang yapak ni papa na maging detective! Family of detective yata kami? Haha."
"Ako din may maipagmamalaki na ako kay papa na isa na akong ganap na detective, darati-rati ay sinasabi ni papa na katangahan daw ang pagiging detective. Pero ano siya? Marami akong case na na-solve dahil sa group na 'to! Proud na proud si papa sa akin!"
Sana all may papa.. "Tsk."
Napalingon ang katabi kong si Andrea, ang nag-iisang babae naming ka-grupo. "Hindi pa rin ba kayo nagkaka ayos ng papa mo, Tyler?"
Malamyos akong umiling. "Hindi. Di ko pa siya kayang patawadin sa ngayon."
I hate my father.
Way back when I am child, we were happily completed but.. When my mother died due to an accident, dad remarried with his mistress.When I was 8 years old way back then..
"This is your new mother, Tyler," masayang pagpapakilala ni papa sa bagong babae niya na may kasamang mas nakakatandang lalaki. "This is Suzette, from now on she will be your mother now.. And this is your elder brother, Shawn."
"Hi, Tyler. Ako na ang bago mong mommy Suzette. We will treat ourselves as a family, okay?" Masayang sabi pa ng kabit ni papa.
"Ayaw ko." Doon natigilan ang lahat. "Si mama lang ang gusto ko hindi ikaw."
"Tyler, bawiin mo ang sinabi mo!" Nagagalit na sabi ni papa.
"Isa lang ang mama ko—"
"Wala na ang mama mo. Patay na siya!"
Hinimas nalang ni Andrea ang likod ko animo'y nakikiramay. "Sana magbati na kayo.."
Hindi lang ako umimik at lumagok pa ng isang beer.
"Itigil mo nga 'yang kakaiyak mo." Naiiritang sabi ni Suzette, di ko siya maatim na tawaging mommy dahil kailanman di niya naman ako tinuring na anak.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Misteri / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜