𝙄𝙩 𝙎𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 𝙒𝙞𝙩𝙝 𝙁𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙'𝙨 𝙍𝙚𝙦𝙪𝙚𝙨𝙩
— @GuwapongJhonMarc-----
"OH?" mataray kong pagsagot sa tawag ni Roko, barkada ko. "Napatawag ka?"
"Hi, Angela!" Halata ang saya sa boses niya sa tawag. "Kamusta araw natin?"
Napaismid nalang ako sa inakto niya. "Napaghahalataan kang may kailangan sa akin e? Oh?"
"Hehehe kilala mo talaga ako Angela my pretty friend!" Tumatawang sabi niya kinapaikot ng mata ko. Ang plastik.
"Oh ano nga?" Nauubusan kong pasensyang tanong. "Busy ako bilis."
"༼༼Wow? Ikaw busy?" Bumuntung-hininga ako at aakmang ibaba ang tawag nang muli siyang magsalita. "So ayon nga, alam kong inggit na inggit ka sa akin kasi buhay may love life ako samantalang ikaw walang jowa.. Jowang-jowa ka na di ba?"
Napaismid ako. "Oh tapos?"
Narinig ko ang paglunok niya sa kabilang linya. "May irereto ako sa iyo—"
"Guwapo ba iyan?" Agad kong tanong. Siyempre.
"Oo guwapo siya, matangkad, maputi.." nagpantig tenga ko. "Barkada ko din siya.. Kaya favor ko sa iyo, sana baguhin mo siya—"
"Paanong bago ba? Iyong papangitin ko ba siya?" Walang ganang sabi ko.
"Hindi, hindi,hindi." Paulit-ulit niyang sabi, unli. "Gusto ko baguhin mo ang barkada ko— playboy kasi siya— mayroong masasamang bisyo."
"Baguhin? Ha." Napairap ako sa hangin. "Di ko nga mabago sarili ko, ang iba pa kaya? Ano 'yon? Saka.. Hindi magbabago ang tao kapag pinilit, dapat magkusa iyan 'no."
Mga kasabihan ni Angela.
"Hindi naman sa gano'n, Angela. Aish, mag-Oo ka nalang kaya? Pinapahaba mo convo natin. Tignan mo 244 words na!"
Baliw.
"Ibibigay ko lang number mo sa kaniya tas magtawagan kayo at ipapa-fall mo siya gano'n para magtino sa buhay. Gamitin mo din RPA mo kapag icha-chat mo siya para safe identities mo. Nagtutulak pa naman iyon ng druga kaya—"
"Ano? Aba nirereto mo pa ako sa pusher? Hanep."
"Hay makinig ka muna. Parang challenge ko sa iyo 'to na ipa-fall mo siya. Para sa kinabukasan niya please? Naawa na kasi ako sa kaniya.. Please, please, please?"
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜