MY MISSING CAT
(based on true story)
ㅡ GuwapongJhonMarcIsang araw ay dumalo ako sa pagdadasal para sa kaluluwa sa aking ninang sa bahay nila kasama ang aking pusa. Sumabay ako sa pagdadasal habang karga-karga ko ang pusa ko at siya ay lubhang naingayan kaya mas lalo kong hinigpitan anb paghawak sa kaniya upang hindi siya makawala hababg nagdadasal ay siya ring pasimple long pag-uppload ko ng convo ng aking kasintahan sa aming paghihiwalay at nawala ang munti kong pusa. Pinabayaan ko na lang siya siguradong hindi naman iyon makakalayo. Pinagpatuloy ko ang pagsali sa dasal hanggang matapos na kumuha ako ng libreng pagkain upang ipakain sana sa aking dalang pusa. Umuwi ako at tinanong ang aking ama kung nasaan ang munti kong kuting at sinagot niya naman na hindi niya nakita kaya nakaramdam ako ng pag-aalala ngunit inutusan pa ako ni pa ako ni papa bumili ng gamot para sa kanyang rayuma. Habang bumibili ako ay naisipan kong i-screenshot ang logo ng summer time saga sa aking apps at naisipan kong gawing meme kaya ginawa kong profile picture. Tawa pa ako ng tawa dahil sa mga natatanggap ko na comment mula sa na-uppload kong pag-uusap namin ni Raisa na pagbre-break ngunit pag-uwi muli kong tinanong si papa kung nakauwi na ba ang pusa ko ngunit hindi pa daw. Bumalik ako sa bahay nila Ninong at tinanong ko kung nakita niya ba ang pusa ko at sinagot niya ay tumakbo pauwi dahil tinahulan ng mga aso niya at nakita niya naruon sa kubo namin kaya agad kong tinungo upang hanapin siya ngunit nabigo lamang ako kahit na sinampit ko na lahat-lahat ang kaniyang pangalan 'ming ming ming' ngunit hindi pa rin lumabas kaya nagpunta na lang ako sa tindahan upang magcellphone at nagtayaka ako kung bakit wala siya karaniwan namang sumusunod ang aking muning tuwing pupunta ako sa tindahan.
"Hayaan mo na 'yon uuwi rin naman iyon." Sabi ni papa. Tumango ako nang malowbat na anh peke kong cellphone ay hinanap ko muli sa aming kubo ang pusa ngunit wala talaga embes na siya ang lumabas ay ang itim kong pusa ang lumabas upang lambingin ako kaya siya na lang ang kinarga ko tungo sa kuwarto. Ngunit magchacharge palang ako ay naramdaman ko na ang pagtalon niya mula sa kama at ang pagtakbo niya palayo. Na-miss ko lalo ang munting muning dahil hindi siya maarte at payag siya tumabi sa akin matulog samantalang ang itim takot sa kuwarto ko, napaka-arte!
"Babalik rin iyon," usal ko bago matulog at niyakap ang unan ko.
Dumaan ang mga araw ay hindi ko na muli nakita ang munti kong kuting at nawala n na ako ng oras upang hanapin pa siya dahil kinapos na ako ng oras upang hanapin pa siya dahil kinakapos ang orad para sa pagpasok sa eskwela at pag-uwi ay pagud na pagod pa.
Isang hapon ay umuwi ako galing sa paaralan kababa ko pa lang mula sa jeep nang salabungin ako ni Jodell, aking kaibigan.
"Jhon Marc, nakita ko pusa mo habang naglalaro ako ng barko-barko sa dagat!" Bulalas ni Jodell. Ang aming bahay ay likod lamang nito ay dagat na puno ng mangroove trees.
"Talaga?" Sabik na sabik kong sinundan si Jodell patungo sa dagat at hindi na nag-abalang magbihis pa ng pambahay.
Nakita ko ang ulo ng aking pusa na wala nang katawan sa plastik.
"Nilagay ko siya sa plastik kasi nakakadiri naman na kakamayin ko lang ano?" Pagpapaliwanag ni Jodell.
Maluha-luha ko namang tiningnan ang pusa ko, nasisiguro ko siya ito dahil sa palatandaan na nalimbag sa balahibo ng noo niya na kulay pula na kinulayan ni papa noong pagkatapos siyang magkulay ng buhok niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinapit niya, bakitㅡ paano?
"Sa tingin ko ay kinain iyang alaga mo ng ahas kaya ganiyan.." hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jodell at hindi ko na pinigilan ang emosyon kong bumulwak na ang luhako at napakalakas na atungal.
"Bebe ko.." mas lumakas pa ang atungal ko. Ang sakit mawalan ng alaga lalo na kung nasanay ka na andiyan siya sa tabi mo palagi. Kapag aalis ka ihahatid ka pa, kapag pupunta ka sa tindahan sasamahan ka, nilalambing ka, at tinatabihan pagtulog. Sino ba namang hindi masasaktan kapag mawalan ka ng pusa na ganiyan?
"Meow..." paglalambibg ng pusa kong itim na tila ba'y nakikiramay sa akin dahil sa pagkawala ng kaniyang kapatid.
ㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗㅗ
Hey, di po talaga namatay pusa ko nawala lang advanced lang talaga mag-isip HAHAHAjoks. Iyong mga narrations totoo po iyan iyong mga convo pagbrebreak, uppliad prof- nagdasal, etc totoo po pero simula sa may nag-uusap na here, "Hayaan mo na 'yon uuwi rin naman iyon." Duon nagsimula ang hindi na totoo-- kumbaga fiction hehez the rest gawa-gawa lang.
SALAMAT SA PAGBASA.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜