BAROK

589 9 2
                                    

BAROK
— GuwapongJhonMarc

_____

PANGISI-ngisi kong sinusulat ang pangalan ni Barok sa aking kuwaderno, at sinasamahan ko pa ito ng pagguhit ng  mga puso-puso sa paligid nito.

"Raisa," Napatigil ako sa aking ginagawa nang may nagpapansin sa harapan ko. "Sasama ka sa amin sa baywalk?"

Nag-angat ako ng tingin, "Aabsent tayo?"

"Gaga long session ngayon dahil nagpreprepare ang mga fisherinians sa gaganaping fiesta, ayan kasi di nakikinig. Teka ano bang sinusulat mo?" Binasa niya ang sinulat ko at nakita ko ang pagsinghap niya. "Sureness nando'n si Barok."

"Sino ba ang kasama?" Tanong ko.

"Si Predelyn," eksahedera niya namang hinawi ang buhok niya. "Nag-iisip pa siya ng allibi niya para sa mama niya."

Napatawa naman ako dahil ang mama ni Predelyn ay daig pa ang tinakasan ng bait na Gorilla kapag nagalit.

"Sige sasama ako," nakangiting saad ko.

Halata namang crush ko si Barok. Una naming pagkikita ay hindi pa ako kilala ni Barok pero nakilala ko na siya dahil pinakilala ni Roselle na may gusto daw sa kaniya ito pero wala naman siyang gusto dito. Una ay wala pa akong feelings para kay Barok dahil ginagamit ko lang pangalan ni Barok para pang-asar kay Roselle at sa Port ang unang pagkakilala namin. Mabilis ang pangyayari, nakalimutan ko kung bakit ako nagkagusto sa kaniya basta ang huling naalala ko ay puro Barok na lang bukambibig ko sa school.

Dahil sa pagkabaliw kay Barok ay pati ang ka-look-alike nito sa school ay dinamay namin at ang lalaking walang malay ay naging crush ko rin pero mas orig si Barok Orig (Barok Original)

"Oh, Raisa? Tara na!" Hinakayat na ako ni Roselle na mamasyal sa sa bay walk kasama si Predelyn.

Siyempre dapat as always maganda ako at mabango— char.

"Oy si Barok 'yon di ba?" Pangungunpirma ni Predelyn habang walang hiyang nakaturo sa swing sa bay walk.

"Oo kaya ibaba mo na 'yang kamay mo," saad ni Roselle matapos tumabingi na naman ang labi nito na marka niya sa pagtataray.

Para naman kaming mga malalanding pumunta sa swing at siyempre ang malanding si Raisa ay umupo katabi si Barok.

"Sana all katabi si Barok." Natatawang sabi ni Roselle habang pinagtuunan kami ng pansin.

"Roselle picturan mo dali para lalong di makatulog sa gabi iyang gagang 'yan!" Tumatawa ring pangungutya ni Predelyn.

"Giatay, tumahimik nga kayo. Ang gugma sama ra na dagat mutaob ug muhunas," wala sa sariling sabi ko.

"Hahaha kabisado pa ng gaga oh, pero hanggang ngayon di ko pa rin ma-gets ang kasabihan ni Barok." Sabi ni Roselle.

Totoo naman, isang kasabihan ni Barok na di ko makakalimutan man kahit siguro mamatay na ako di ko pa rin iyon makakalimutan. Ngina, adik na adik talaga ako kay Barok.

Nakita naming tatlo na tumawa si Barok. "Ano ba 'yan magjowa kayo tapos di nag-uusap." Saad ni Predelyn kahit wala naman talaga kaming relasyon ni Barok. "Mag-usap nga kayo! Sayang effort ni Raisa pumunta dito!"

At iyon nga ang nangyari si Predelyn gumawa ng paraan para magkaroon kami ng malanding ugnayan ni Barok at nagkaroon pa ng picture at agad ni-Wallpaper sa cellphone kong Vivo— char. Pansin ko ring parehong-pareho kami ng cellphone ni Barok at pinipilit ko talaga na maganda kong mukha ang i-wallpaper niya at di ako pumapayag na mapicturan niya si Roselle kahit isa lang dahil nasisiguro kong wala pa sa alas kuwatro ay papalitan ng maganda kong mukha ang pangit na picture ni Roselle. I won't let you, Roselle!

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon