RAISA POV.
KASALUKUYAN ako nagpapakuto sa alagad ni Barok na kanina'y nilbrehan ko ng shakoy kaya ang kapalit ay ang pagkuha niya ng kuto sa akin. Embes na kuto ang kunin niya ay puting buhok pa ang kinuha.
"Di ba sabi ko sa iyo 'wag mo kunin ang puting buhok dahil rarami." Naiinis kong saad. "Kuto na kunin mo,"
"Naniniwala ka naman sa kasabihan ng mga matatanda? Ano namang kinalaman ng pagkuha mo ng puting buhok sa ulo mo, rarami? Dapat nga kunin ko lahat para di ka na magkaroon pa ng puting buhok."
"Ang raming reklamo, 'wag ka na magreklamo. Ipapaasuka ko talaga sa iyo ang shakoy na nilibre ko sa 'yo." Pananakot ko.
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko silang Roselle, Maryan at Irish sa panahong iyon sa isang kainan sa baywalk para magpakuto lang ako. #tambay-tambayLang
Maya-maya'y may dumating na payat na lalaki na may itsura ring maipagmamalaki.
"Yo, Barok." Kumaway ang lalaki. "Lah, may mga ibang kasama pala kayo, Rok."
"Yo, Berting." Bati naman ng batang naghahanap ng kuto sa buhok ko pero hanggang ngayon wala pa ring nakita. Nakaramdam ako ng ginhawa sa buhok kaya alam kong kinuha na naman niya ang puting buhok ko!
Liningon ko ang bata. "How many times do I tell you- char. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na huwag mong kunin puting buhok ko? Paksyet." Salubong ang kilay ko.
"Sorry di ko napigilan e." Sabi ng bata.
"Hala kinuha niya iyong puting buhok mo? Naniniwala ako sa kasabihan ng mga matatanda na kapag kumuha ka ng puting buhok sa buhok ng di pa matanda ay rarami ito." Singit ng lalaking payat. "Tingnan mo buhok ko. Darati-rati'y marami akong puting buhok dahil binunot ng kaibigan ko kaya dumami pero ngayon wala na."
Sml? Char.
"Ayan kasi bata oy, di ka nakakaintindi." Inis na sabi ko.
"Edi kay Berting ka na lang magpakuto!" Naiinis na sabi ng bata. "Bahala ka na sa buhay mo."
"Isuka mo na 'yong shakoy na linibre ko sa iyo, walang kuwenta." Naiinis kong saad.
"Sige ako na lang ang magkuto sa iyo," saad ng lalaking payat na Berting yata ang pangalan.
Tumingin ako sa lalaki na di ko pa close. "Sure ka?"
"Oo," sagot niya. "Ginagawa ko naman 'to sa ate ko e."
Di na ako nagpatumpik-tumpik pa , umupo ako sa upuan at siya nasa labas kaya nakutuan niya pa rin ako. Ang lakas ng pagkakahawak niya sa ulo ko at feel ko di siya marunong kumoto, pero nevermind na lang 'yon.
"Berting pangalan ko." Pagpapakilala niya at kunyaring busy sa pagkukuto sa akin.
"Okay." Saad ko. "Ako si Raisa."
"Alam ko pangalan mo." Sabi niya.
"Ha?" Nagtataka kong tanong. "Hakdog char."
"Inadd na kaya kita sa facebook, di mo pa nga ina-accept ang friend request ko e." Madiin niyang hinawakan ulo ko at kunyare malapit na makuha ang kuto. "Ang rami mo na ngang puting buhok pati ba naman lisa."
"Sige accept kita," dinukot ko cp ko at nag online at tiningnan ang friend request ko at nangunguna sa pila, char. Nangunguna ang pangalan niya.
Pinakita ko sa kaniya ang picture ko. "Ito nga inadd mo na pala ako. Accepted ko na." Inistalk ko agad. "Sana all pina-red horse."
Nakita ko ang profile picture niya na may dalang red horse sa mismong lugar na ito.
"Ah 'yan." Tumawa siya. "Noong valentine's day 'yan. Pinag celebrate ko ang valentine's day kasama ang red horse dahil wala akong ka-date. Sa mismong araw na 'yan hinawalayan ko ang girlfriend ko kasi di ako sinipot e."
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜