One Night Chat

482 9 4
                                    

“A ONENIGHT CHAT”
—GuwapongJhonMarc✍️



HINDI KO maikukubli ang ngiti sa aking labi habang tumitipa ako ng mensahe sa cellphone ko rito sa loob ng madilim kung kuwarto.

Nakikipagharutan ako sa isang lalaking rp'er sa group chat namin at nagbabatuhan kung anong mga pambanat na salita upang pakiligin namin ang aming mga sarili.

Hanggang inadd ko na siya at sinadya ko talaga mag-wave sa kaniya at doon pinagpatuloy ang aming pagchachat. Kumbaga landian with no label ika nga nila.

Hindi man lang ako nakaramdam ng antok kahit napansin ko sa cellphone ko na alas tres na at malapit ng mag alas cuatro.

Hindi ko ugaling magpuyat ng ganitong oras pero dahil sa lalaking kachat ko ay di ko namalayan na inabot kami ng madaling araw.

Kung hindi lang talaga sumuko ang cellphone ko sa kadalihanang lowbat na ito ay marahil ay magpapatuloy pa rin kami sa paglalandian sa chat.

"Lowbat na ko," chat ko sa kaniya.

"15% nalang din ako pero inaantok na rin ako, sa susunod ulit?" Chat niya rin.

"Ang saya ko na nakachat kita. Ngayon lang ako sumaya ng sobra." Chat ko.

"Ako rin. Sige bukas ulit."

Nagpapaalaman na kami at pinabayaan ko nang nakacharge ang cellphone ko at bumalik ako sa pagkakahiga.

Napailing-iling ako dahil nagawa kong magpuyat ng ganito para sa lalaking iyon.

At sa tingin ko hindi na pareho sa kanina ang mga pakikitungo namin bukas.

-

"ZERETH!" Nagawa pa kong hampasin ni mama sa binti ko para lang magising ako. "Ano? Magpapalipas ka na lang ng gutom para matulog nalanh diyan? Ano bang ginawa mo kagabi bakit puyat na puyat ka?"

Pagkaalis ni mama ay saka na lang ako ng nag-unat at naghikab. Antuk na antok pa sana ako pero naalala ko kagabi ang kaharutan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na at pasadong alas diyes na pala. Napatingin ako sa conversation 'namin' sa messenger, napangisi na lang ako dahil sa sobrang halay at harot ko kagabi.

-

Habang kumakain ay nagcecellphone ako at napansin ko ring online siya kaya nagpapansin na ako, nagsend na ako ng like button kunyare napindot at sabi ko ay sori napendot pero maya-maya'y pagsubo ko ng kanin ay nakatanggap lang ako ng seen.

Seen? Seen means pagtingin.. so may pagtingin siya sa akin? Charot.

Napailing nalang ako sa sobrang rupok ko ay na-fall pala ako sa lalaking iyon na naka One Night Chat ko lang naman. Ako na siguro ang pinaka easy to fall na babae sa mundo, taeng iyan.

Ngayon palang tanghali ang klase namin at alas dyes na kaya dapat magsimula na akong maghanda dahil napaka bagal pa naman ng kilos ko— napakakupad.

Naalala ko na hindi rin na real account ang gamit ko habang role player account ang gamit niya. Hindi lang ako makahingi ng personal niyang detalye dahil bawal daw sa rp'er world ang magbigay ng detalye pero sabi ko wala kami sa rp'er, nasa message box kami kaya sinabi niya lang edad niya at anong grade na siya. Nalaman kong kasing edad at kasing grade lang kami pero di niya sinabi kung taga saan siya.

Iwinaglit ko na lang sa isipin ang lalaking iyon at pumasok na sa banyo, baka nga may jowa na iyon, e. Masakit umasa.

Pagkatapos ng lahat ng dapat gawin ay sa wakas ay handa na ako pumasok dahil nga sa napaka kupad kong kilos inabot ako ng isang oras para maligo at isang oras din para magbihis.

MY ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon