copy paste from my fb account but still my work!
--------------------------------------------
"Yna, gising na!!!" Malakas na sigaw sabay hampas ng malakas ng ina ni Yna sa kaniya.
"Ouchㅡ uhh last 1 minute , 'Ma," sabi pa niya.
"Gumising ka na diyan ha alas otso na!" Paalala sa kaniya ng ina niya.
"Alas otso na?" Dali-daling bunangon siya at sinilip ang cellphone niyang naka- charge. "Eh 5:50 pa lang e!"
"Kumain ka na male-late ka na naman , kain at ligo lang naman ginagawa mo male-late ka pa." Sabi ng kaniyang ina bago siya iwan sa kaniyang kuwarto.
--
"Just like duh? 7:00 am na. I'm getting late again. 'Ma , my lunch box!" Singhal nito.
"Dapat matuto ka ng manghugas sa baunan mo."
"Bilis na, 'Ma. Male-late na ako!" Singhal niya.
Sinunod na lamang ng ina niya ang inuutos nito.
--
Inilapag ng ina ni Yna ang baun nitong 50 pesos." 'Ma dagdagan mo kasi may bayarin pa sa projects," anas naman niya.
"Bukas na lang kasi mahina ang pagbebenta ko ng basahan e," dahilan ng kaniyang ina.
"Ngayon na dapat kasi tatanggalin nila ako sa grupo kapag 'di ako magbayad."
"Tak pinipilit mo talaga ako. Darati-rati naman halos walang bayarin sa eskwelahan namin sa kapanahunan namin e. Kapag malaman ko na hindi mo iyan binayad ha. Makikita mo ang gusto mong makita."
"Iba kasi ang panahon noon at ngayon. E kung gusto mo ikaw na lang kaya ang mag-aral?"
"Palasagot ka na talaga e 'no?"
"Oo naman kasi ang batang palasagot ay maraming alam in short matalino!" Taas-noo niya pang sabi.
"Ang rami mo pang sinasabi lumayas ka na kung ayaw mo bigyan ng baon!" Naiinis na sabi ng kanyang ina.
---
"Yna napag-usapan namin ni Laila mamasyal kami sa bagong bukas na mall iyong J & F at kung okay lang sa iyo ay isasama ka namin." Sabi ng kaibigan niyang si Aireen.
"Oo nga Yna at balita ko ang gaganda daw ng mga tinda roon at sales pa. Sari-saring mga magagandang tinda roon at may food court pa!" Dagdag rin ng kaibigan niyang si Laila.
"Sige ba game ako diyan, tamang-tama naman kasi may dala akong pera." Masayang sabi niya, ang tinutukoy niyang pera ay ang binigay sa kaniya ng ina niya upang ibayad sana sa project nila.
--
Naroon sila sa kanilang room at pinag-uusapan ang project nila sa Science.
"Oh mga ka-groupmates nakagawa na ako ng model para sa project na inatasan ni ma'am para sa atin. Wala na kayong ibang pro-problemahin pa kung 'di ang bayarin na lang tulad sa napag-usapan sa group chat ngayon ang deadline ng bayad niyo." Sabi ni Nadine, ang leader sa kanilang grupo.
"Easy,"
"Salamat naman wala na akong ibang proproblemahin pa"
"Oh ito keep the change,"
"Oh ito, Nadine. Hati na iyan sa amin ni Babe a,"
Mga reaksiyon ng kanyang ka grupo na nakabayad na at tanging siya na lang ang hindi.
"Yna nasaan na ang bayad mo?" Medyo may pagkamataray nitong tanong.
Naisip niya na ayaw niyang ibayad ang ipanglalalakwatsa niya mamaya.
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Mystery / Thriller"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜