𝗗𝗿. 𝙒𝙖𝙠𝙬𝙖𝙠
— @☁️“There's a game called Dr. Wakwak, how come if let's make it true? Dr. Wakwak is creepy doctor.”
WARNING: Some scenes can be disgusting for you, so I'm warning now but leave a like button😆👍
--------シ㋛ت--------
NAPASIMANGOT ako ng ilang hospital na rin ang hindi tumanggap sa akin bilang nurse, kesyo daw kulang pa daw ako sa experience at hindi ko daw natapos ang Pre-Med ko.
Totoo nga namang di ko natapos ang pagiging Pre-Med ko dahil sa maaga kong pagbubuntis matapos akong buntisin ng ka fling ko lang pero iniwanan din ako dahil hindi pa daw handa na panagutan ako— so yeah, hindi ko natapos ang PreMed at wala akong perang pampatuloy pero alam ko sa sarili ko na puwede na siguro ako maging nurse..
Pero kahit siguro magmakaawa pa ako at ipakita ang magagandang performance ko noong nag-aaral pa ako ay walang tatanggap sa akin, halos paulit-ulit na lang ang pinagsasabi nila ‘We'll call you, if we needed you’. E, halata namang napipilitan lang sila at walang balak na tawagan ako ulit. Duh?
Pero aaminin ko nangangailangan talaga ako ng pera dahil papalaki ng papalaki ang anak ko ay lumalaki din ang gastos, kaya naman nangangailangan talaga ako ng pera. Naisip ko ang ibang trabaho pero sa isip ko ay mas malaki ang sahod kapag mag na-nurse ako?
Napaigtad ako nang biglang magriring ang mumurahin ko lang na keypad na cellphone at agad iyon kinuha mula sa bulsa ko.
Tiningnan ko ang I.D caller pero nangunot na lang ang noo ko dahil wala namang pangalan.
"Hello?" Kunot noong sagot ko, tumitingin sa paligid kung may sasakyan na bang dadaan pauwi.
"This is Ms. Inanakanperodipinanagutan, right?" pangunpirma pa sa kabilang linya, napangiwi nalang ako sa narinig kong apilido kong ang sagwa.
"Mm," tumangu-tango ako na akala mo'y nakikita ako sa kabilang linya. "Opo ako po si Ana Inanakanperodipinanagutan."
Kung anong haba ng apilido ko, gano'n nalang kaikli ang pangalan ko.
"Tumawag po ang kabilang branch ng hospital, tinatanggap ka na daw po bilang nurse.." napanganga ako as in nganga. "Walang gaanong staff do'n, basta you're hired. I'll send the address."
Nanatili pa rin akong nakanganga kahit narinig ko na ang pagbaba ng tawag hanggang sa marinig ko nalang ang text nito.
Parang naloading ako at ilang segundo bago ako magreact.
"Oh... My... God... Oh my god! Oh my god! Oh my god!" Nagtatalun-talon ako sa sobrang tuwa at nawiwirduhan namang napatingin sa akin ang mga taong dumadaan. "Hoy, mga taong dumadaan! Hahahaha! Sa wakas, natanggap din nila ako! Oh my god! Oh my gooood!"
MARAHIL ay abot langit na siguro ang ngiti ko habang tinatahak ang probinsiya kung saan ako natanggap, kahit malayong probinsiya pa 'yon ay kinarir ko na. Okay lang, keri lang, ikaw ba naman maswelduhan ng 10,000 na sahod sa loob ng isang araw? Edi bongga?
Bagaman nagtataka rin ako kung bakit gano'n sila magpasahod ay wala na akong pakialam! Hahaha! Basta may trabaho na ako, tapos! Period!
Hindi ko din namalayan ay nakaabot na pala ako sa harapan ng medyo may kalumaang hospital, bagaman nakakatakot tignan pero hindi pa rin mapawi ang ngiti sa aking labi. Hehehe, may trabaho na ko. Awieee!
BINABASA MO ANG
MY ONESHOTS
Misterio / Suspenso"𝓐 𝓫𝓸𝓸𝓴 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓭𝓲𝓯𝓯𝓮𝓻𝓮𝓷𝓽 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓪𝓷𝓭 𝓰𝓮𝓷𝓻𝓮𝓼." 𝙰 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚏𝚞𝚕𝚕 𝚘𝚏 𝚍𝚒𝚏𝚏𝚎𝚛𝚗𝚝 𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚒𝚗𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚘𝚏 𝚒𝚝. @𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨𝐧𝐠𝐉𝐡𝐨𝐧𝐌𝐚𝐫𝐜