September 24, 2020
Dear Diary,
Andito ako ngayon sa gymnasium kung saan kasalukuyang ginaganap ang acquaintance party namin. Alam mo ba Diary, walang may pumapasin sa akin dito, kaya sinulatan na lang kita ngayon. Sayang lang 'tong dress ko. Nag-effort pa naman ako na mabili 'to kahapon, tapos wala lang may papansin sa akin? Grabe sila.
Ang ingay nga rito Diary kasi halos silang lahat naghihiyawan sa saya, isama mo pa 'tong sound system na nakakabingi. Nakakainggit nga sila Diary kasi parang naeenjoy nila ang party. Bakit ba kasi wala pa akong friend?
Diary, gusto mo bang humanap ako ng magiging bestfriend ko? Kasi nakakalungkot talaga minsan kapag wala akong nakakausap sa mga ganitong sitwasyon.
Sige, bukas na lang ulit Diary. I-enjoy ko muna 'tong party kahit walang may pumapansin sa akin. Sayang kasi. Minsan lang kasi 'to. Hehehe.
***
September 24, 2020
Dear Mr. Diary,
Nalasing tuloy ako Mr. Diary. Kasi naman pinilit ako ng kaibigan ko na um-attend sa acquaintance party.
Mga bad influencers kasi 'tong mga kaibigan ko. Nagdala ba naman ng alcoholic drinks kahit pinagbabawal. Mga sira talaga!
Alam mo Mr. Diary, nakita ko si ex kanina sa party. Ang ganda na nga niya. Malaki na ang pinagbago niya. Nakita niya nga rin ako pero nginitian lang niya ako. Gusto ko nga nun kausapin pero nahihiya ako Mr. Diary kasi parang ang layo na namin sa isa't-isa. Alam mo 'yon?
Sige hanggang dito lang muna Mr. Diary. Tulog muna ako, nahihilo pa kasi ako.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)