Day (028)

3 1 0
                                    

October 18, 2020

Dear Diary,

Ang saya lang talaga namin kanina Diary. Dito na rin sa bahay ginanap 'yong celebration kasi gusto 'yon nila mama at papa.

Ang dami ko ngang bisita kanina Diary. Si Keilo, 'yong advicer ko na sobrang proud din sa akin kahit hindi ko naman nakuha 'yong gusto niya na tanghaling bilang Ms. MIT 2020. Sabi pa nga niya kanina sa akin na ako dapat 'yong nanalo, hindi raw si Shayne. Pero, wala naman akong paghihinayang Diary, kasi okay na rin naman para sa akin ang first runner up. Hello, first time ko kaya na sumali sa ganoong pa-contest. Kaya okay na okay na talaga sa akin 'yong maging first runner up. Kahit nga hindi ako nakapasok sa final three, masaya na ako dun kasi hindi ako napahiya sa mga oras na 'yon.

Nakarating din kanina si Lab na sobrang gwapo, lalo na kagabi nung suot lang niya 'yong underwear. Grabe! Ang hot niya nun Diary! At tsaka ang laki ng ano niya, Diary. Grabe! Akala ko nga hindi na makakapunta kanina si Lab sa celebration namin. Pero, nakakatuwa nung kinong-gratulate niya ako. Siyempre kinong-gratulate ko rin siya kanina, actually, kagabi pa matapos 'yong pageant.

Sa tingin ko nga Diary, hindi na siya gaanong naiinis sa akin. Hindi tulad noong mga nakaraang araw na makita niya lang ako, parang mamamatay na sa inis. Happy talaga ako Diary na parang nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin.

***

October 18, 2020

Dear Mr. Diary,

Iba talaga 'yong family ni Saturn, napaka-supportive! Hindi katulad nila mama at papa, parang hindi man lang sila masaya para sa akin.

Ayoko nga sanang um-attend sa celebration na ginanap kanina sa bahay nila Saturn, Mr. Diary, kasi pakiramdam ko, ang awkward! Hindi ko alam basta 'yon ang nararamdaman ko kanina. Pero, nung pinilit na naman ako ng mga kaibigan kong mga baliw, wala na naman akong nagawa. Gusto kasi nilang mag-party kasi marami raw chicks na andoon kanina sa bahay nila Saturn. Tama naman sila Mr. Diary, kasi marami nga namang chicks kanina. Mga baliw talaga!

Masaya rin ako Mr. Diary, kasi akala ko magiging awkward 'yong pagkikita namin ni babaeng planeta kanina, pero hindi pala. Ang sarap pala niyang kasama, Mr. Diary. Kalog at ang saya lang niyang kasama kanina. Alam kong may gusto 'yon sa akin pero alam kong hindi 'yon rason upang gawin niya 'yon lahat sa akin, kasi pansin ko na ganun talaga siya kung mag-entertain ng mga bisita niya. Napaka-welcoming!

Hindi na nga ako masyadong naiinis sa kaniya, Mr. Diary.

***

Day 1 to 1O1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon