November 3, 2020
Dear Diary,
Naku! Diary. Nagalit si Keilo nang malaman niya na si Lab ang magiging kapartner ko sa pagkanta. Gusto pa nga niya akong mag-quit pero hindi na ako pinayagan ni ma'am kasi fixed na raw ang lahat. Kahit naman ako, hindi ako magba-back out kasi naman sayang. Pinilit ko na lang kanina si Keilo na pumayag na lang na si Lab ang magiging partner ko kasi wala namang iba ang puwede. Kung puwede nga lang siya na lang ang partner ko, gagawin ko. Kaso hindi naman talaga marunong kumanta si Keilo.Nagseselos kasi si Keilo kay Lab. Inamin niya kasi sa akin. Alam niya kasing crush ko si Lab kaya kung maka-react kanina, wagas.
Crush ko lang naman talaga si Lab, Diary. Wala naman sigurong malisya na magpartner kami, 'di ba Diary?
***
November 3, 2020
Dear Mr. Diary,
Hindi pa rin talaga ako tinitigilan ni Shayne, Mr. Diray. Kanina sa school umiyak pa talaga siya at nagmakaawa sa harap ko. Kahit ang dami ng nakatingin sa amin, hindi pa rin talaga siya tumigil. Pero, nung sinabi ko sa kaniya na hindi ko na talaga siya mahal, wala na siyang nagawa. Dali-dali ako nun umalis upang hindi na niya ako masundan.
Ewan ko ba Mr. Diary. Noong una lang habol ako ng habol kay Shayne, pero nagulat na lang ako dahil ngayon hindi ko na siya kayang sikmurahin. Ang dami na kasing nagkakalat na mga tsismis tungkol sa kaniya. Kung sino-sino na lang kasi 'yong lalakeng kinakasama niya. Pati naman ako naniniwala, kasi ako mismo nakikita siya na ginagawa niya 'yon.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
قصص عامة(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)