October 3, 2020
Dear Diary,
Oh la la la! Diary!
Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Lab sa beach!
Kanina habang naliligo ako suot ang pangmalakasang swimsuit ko, hindi ko aakalain na magkakabungguan kami sa dagat.
Alam mo ba Diary, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkatitigan kaming dalawa.
Ang gwapo niya talaga Diary lalo na nung hindi na niya suot ang kaniyang malaking salamin sa mata. Ang laki nga rin ng mga muscles niya kasi wala siya kaninang pantaas at kitang-kita ko ang mga pandesal niya. Ang sarap niyang tingnan kanina, Diary.
Nagpakilala nga ako sa kaniya pero in-ignore lang niya 'yon. Umahon agad siya at pumunta sa cottage nila. Pakiramdam ko, galit pa rin talaga siya sa akin, Diary. Kainis naman! Pagkakataon ko na sana 'yon para makapag-usap kami.
***
October 3, 2020
Dear Mr. Diary,
Buwesit! Buwesit! Buwesit! Talaga! Sobrang buwesit Mr. Diary!
Worst day ko ata 'to ngayon!
Kasi naman for the nth time, nagkita na naman kami nung pangit na 'yon! Akalain mo, sa dinami-dami ng beaches sa Pilipinas, sa isang beach pa talaga kami napunta kung saan nandoon ang babaeng kinaiinisan ko!
Nagpakilala pa nga siya sa akin. Saturn daw 'yong name. Saturn!? Ano siya, planeta? Sabagay mukha naman siyang planeta dahil sa sobrang dami niyang tigidig sa mukha. Kadiri!
Ang lakas pa talaga ng loob niyang mag-swimsuit! Mabuti okay 'yong katawan niya. Kasi kung hindi, ewan ko na lang Mr. Diary!
Basta! Badtrip ako ngayon Diary! Hindi ko na kasi kanina na-enjoy 'yong pagsi-swimming dahil lang dun sa babaeng planeta!
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)