October 10, 2020
Dear Diary,
Kanina Diary bumisita rito sa bahay si Keilo. Pinakilala ko siya kay mama at kay papa. Nagbiro pa nga sina mama na ligawan na raw ako ni Keilo. Siyempre, natawa lang kami ni Keilo, kasi alam naman na nagbibiro lang sila mama.
Ang saya lang namin kanina Diary. Feeling ko nga, naging close agad sila kanina. Natutuwa rin kasi sina mama at papa kay Keilo, kasi kalog siya. Ang dami niya kaninang jokes at bentang-benta iyon kina mama at papa.
Nga pala Diary, bukas ng gabi may liga rito sa amin at kasali si Keilo. Kaya manunuod ako kasama sina mama at papa para suportahan namin 'yong team nila Keilo.
Hanggang dito lang muna Diary. Babye.
***
October 10, 2020
Dear Mr. Diary,
Kanina nagkita kami ni Shayne Mr. Diary. Akala ko papansinin niya ako pero nilagpasan niya lang ako kasi kasa-kasama niya 'yong lalakeng pinagpalit niya sa akin.
Nasaktan talaga ako kanina Diary, kasi hanggang ngayon, mahal ko pa kasi si Shayne. Kahit may mahal na siyang iba, siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.
Tapos 'yong lalake na 'yon, magiging kalaban ko pa bukas sa liga. Inaasahan ko na rin na manunuod si Shayne upang sumuporta sa lalake na 'yon.
Kaya, gagalingan ko talaga bukas Mr. Diary upang marealized ni Shayne na mali siya sa naging desisyon niya na iwan ako basta-basta.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)