October 31, 2020
Dear Diary,
May sasabihin ako sa'yo, Diary. Alam mo ba kung sino na ang napili ni maam? Kung sino ang napili niya na makaka-duet ko? Alam mo ba, Diary? Walang iba kundi si Lab Junior De Castro, ang ultimate crush ko sa school.
Hindi ko alam kung papano napapayag ni maam si Lab, eh ang pagkakaalam ko, naiinis 'yon sa akin sa tuwing nakikita niya ako.
Mas lalo tuloy ako nitong kinakabahan, Diary. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Lab kung marinig niya 'tong boses ko. Baka pagtawanan niya lang ako. Ewan ko, Diary. Basta sa susunod pa na linggo, pagkatapos ng holloween party namin, magpapractice na kami.
***
October 31, 2020
Dear Mr. Diary,
Noong nalaman ko Mr. Diary na si Saturn ay magpeperform sa darating na Literary and Musical Celebration sa school namin, at kailangan niya ng ka-duet kasi kakanta siya, hindi na ako nagdalawang-isip na mag-volunteer.
Hindi ko nga akalain na marunong pala siya kumanta, Mr. Diary. At tsaka, magpeperform pa talaga siya. Kahit ayoko talaga, wala na akong nagawa. Chance ko na rin 'to para makasama ko si babaeng planeta. Kahit naman papano marunong din naman akong kumanta. Hindi nga lang ako mahilig mag-perform kasi ayoko lang talaga ng atensiyon. Kahit sila maam na 'yong pumipilit sa akin, hindi talaga ako nun pumapayag. Ewan ko, basta wala talaga akong hilig na mag-perform sa kung anu-anong event sa school.
Excited na nga ako Mr. Diary na makasama si Saturn. Excited na akong marinig ang boses niya.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)