Day (016)

11 2 0
                                    

October 7, 2020

Dear Diary,

Sa wakas Diary sa unang pagkakataon, nagka-usap na kami kanina ni Lab.

Nakita ko kasi siya kaninang umiiyak. Hindi ko sana siya lalapitan kasi baka magalit na naman siya sa akin. Pero nung makita niya ako, hindi na siya umalis. Kaya naisip ko na baka hindi na nga niya ako lalayuan.

Lakas-loob ko talaga siyang nilapitan kanina Diary. Tinabihan ko nga siya kanina sa pag-upo at nakakapanibago talaga Diary kasi hindi nga talaga siya umalis. Nanatili pa rin siya sa kaniyang pwesto habang katabi niya ako.

Kaya pala siya umiiyak kasi nalaman niya na may ibang lalake 'yong girlfriend niya. 'Yan tuloy! Kung ako na lang kasi 'yong pinili niya, hindi ko talaga siya ipagpapalit. Kaso, hindi niya talaga ako gusto.

Naawa nga ako kanina sa kaniya. Gusto ko nga siya nun yakapin, kaso nahiya lang talaga ako Diary.

***

October 7, 2020

Dear Mr. Diary,

Buwesit! Tama nga 'yong kutob ko Mr. Diary! May relasyon nga sila! Niloloko nga talaga ako ni Shayne!

Kung hindi ko talaga sila sinundan, hindi ko pa talaga malalaman na pinagmumukha na pala nila akong tanga!

Sa galit ko, muntik ko na ngang mapatay 'yong hayop na lumandi kay Shayne!

Hindi ko nga aakalain Mr. Diary, na makakausap ko 'yong babaeng planeta na kinaiinisan ko. Akala ko nga maiinis ako sa kaniya pero kanina, nung kinausap na niya ako, tila nagbago ang pakikitungo ko sa kaniya. Ang sarap nga niyang magbigay ng advice. Kasi kanina nakita niya kasi akong umiiyak, kaya kinausap at binigyan niya ako ng advice.

Sabi nga niya Mr. Diary sa akin na, huwag ko raw hahayaan ang sarili ko na mag-focus sa isang tao na alam ko naman na masasaktan lang ako.

Para akong nabunutan ng tinik kanina Mr. Diary nang sabihin niya 'yon.

Hindi ako makapaniwala, iba pala siya, Mr. Diary.

***

Day 1 to 1O1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon