October 24, 2020
Dear Diary,
Nasampal ko talaga si Keilo kanina, Diary. Hindi ko kasi aakalain na gagawin niya 'yon sa akin.
Kanina kasi habang nasa bahay kami nila, muntik na niya akong halikan. Sa gulat ko nga Diary, nasampal ko talaga siya. Sa sobrang lakas nga ng pagkakasamapal ko namula 'yong pisngi niya.
Kung makakatitig kasi siya kanina, akala ko may kung anong dumi ako sa mukha ko, pero nagulat na lang talaga ako na dahan-dahan na niya pala dinidikit 'yong labi niya sa labi ko. Mabuti na nga lang, nakailag agad ako, kasi kung hindi, siya na ang first kiss ko Diary. As in!
Agad din namang humingi ng sorry si Keilo, Diary at agad ko rin naman siyang pinatawad. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya 'yon ginawa, pero hindi pa talaga ako nun ready kaya nabigla ako kanina.
Hanggang dito lang muna Diary. Babye.
***
October 24, 2020
Dear Mr. Diary,
Balita ko Mr. Diary, nag-away kanina sina Shayne at 'yong jowa niya. Balita ko nga rin naghiwalay na sila. Nagsawa na raw kasi 'yong lalake kay Shayne. At kanina nakita ko si Shayne na iyak ng iyak. Hindi niya kasi aakalain na puri lang pala niya ang habol ng lalaking pinagpalit niya sa akin.
Naaawa naman ako kay Shayne, pero sa tingin ko, lesson na rin 'yon sa kaniya. Lesson na hindi lahat ng lalake na sa tingin mo ay mamahalin ka, ay mamahalin ka talaga. Iyong iba, dumadaan lang upang saktan at paiyakin ka. At ang mas malala iiwanan ka na dahil nakuha na nila ang gusto nila.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)