September 30, 2020
Dear Diary,
Nakakabwesit!
┌∩┐(◣_◢)┌∩┐
Alam mo ba Diary, pinagalitan niya ako kanina sa school. Pinagbintangan pa nga niya ako na ninakaw ko raw 'yong ID niya. Baliw ba siya?! Paano ko naman 'yon nanakawin sa kaniya eh suot-suot naman niya 'yon palagi?! Nalaglag nga lang 'yon, ninakaw ko agad?! Nagmamalasakit na nga 'yong tao, pinagsalitaan pa niya ako ng masama. Ang dami ngang nakatingin sa amin kanina habang pinagsasalitaan niya ako, nasaktan tuloy ako Diary.
Grabe talaga siya Diary! Wala siyang puso! Mabuti nga ako ang nakapulot ng ID niya, kasi kung iba 'yon, sigurado akong hindi na 'yon maibabalik.
Muntik na nga niya akong masapak, mabuti na lang pinagtanggol ako kanina ng isang lalake kaya natigil si Lab. Muntik pa nga sila mag-away, mabuti na lang naawat ko agad sila.
Kung hindi ko lang talaga crush si Lab, sinuntok ko na siya kanina.
***
September 30, 2020
Dear Mr. Diary,
Muntik na akong makasapak ng babae kanina Mr. Diary. Eh kasi muntik na rin kasi akong hindi makaattend ng klase kasi wala ang ID ko!
Akalain mo Diary, kaya pala nawala ang ID ko kasi ninakaw 'yon ng babaeng patay na patay sa akin. Nasa kaniya pala 'yong ID ko. Gusto niya siguro akong gayumahin. In her dreams!
Halatang sinsusundan ako ng babaeng 'yon! Palagi na lang kasi kaming nagkikita. Anong akala niya, ipagpapalit ko siya kay Shayne?! Nagpapatawa ba siya? Ako?!magugustuhan siya?! Sa itsura niyang 'yon?! Hahaha. Ewan ko na lang sa palaka.
Nga pala Mr. Diary, bukas may date kami ni Shayne at paghahandaan ko talaga 'to.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)