October 22, 2020
Dear Diary,
Hindi ko akalin na magiging complicated ang sitwasyon ko ngayon, Diary. Si Keilo kasi parang nagagalit sa akin sa tuwing may kinakausap akong ibang lalake. Kanina kasi habang mag-isa akong nakatambay sa school, nilapitan ako ni Lab. Nagulat na nga lang ako na nilapitan niya ako, pero nung kakausapin pa nga lang ako ni Lab, biglang dumating si Keilo at nagalit agad ito kay Lab. Alam din kasi ni Keilo na crush ko si Lab, kaya kanina nagselos siya. Tinaboy niya agad si Lab nang hindi man lang pinagbigyan sa kung ano man 'yong gusto niyang iparating sa akin. Parang may gusto kasi siyang sabihin sa akin kanina, hindi lang natuloy dahil pinaalis siya agad ni Keilo.
***
October 22, 2020
Dear Mr. Diary,
Hindi ko aakalin na magkakagusto ako kay Saturn, Mr. Diary!
Tama ka Mr. Diary! Gusto ko na 'yong babaeng binubully ko. Gusto ko na 'yong babaeng kinaiinisan ko. Gusto ko na 'yong babaeng pangit sa paningin ko. Gusto ko na si babaeng planeta sa hindi ko inaasahan na pagkakataon.
Kanina nga Mr. Diary, aaminin ko na sana kay Saturn na gusto ko siya, pero biglang dumating si Keilo. Pinaalis niya agad ako at halatang nagalit siya sa akin nung nilapitan ko si Saturn.
Bakit ba kasi huli na ang lahat Mr. Diary? Bakit nung mga panahong patay na patay pa sa akin si Saturn, hindi ko siya nagustuhan? Bakit hindi ko naramdaman na gusto ko siya? Tapos, nung hindi na niya ako kinukulit at nung nangkaroon na siya ng minamahal, tsaka ko lang naramdaman na gusto ko na pala siya?
Nagsisisi tuloy ako, Mr. Diary.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)