October 8, 2020
Dear Diary,
Kanina Diary nakita ko si Lab at tsaka 'yong girlfriend niya, nag-aaway sila. Naawa nga ako kanina kay Lab kasi umiiyak na naman siya. Hindi ko na nga siya nilapitan kasi baka pagtsismisan na naman kami, at mabully pa ako. Kasi kanina Diary, may nam-bully na naman sa akin, dahil nakita nila ako na kinakausap ko si Lab nung kahapon. Grabe talaga sila sa akin Diary. Mabuti na lang pinagtanggol ako ni Keilo. Siya na talaga ang knight in shining armour ko, Diary.
Alam mo rin ba Diary, gusto ni Keilo na sumali ako sa Ms. MIT 2020. Beauty pageant 'yan sa school namin, Diary. Natawa nga ako kanina nang sabihin niya 'yon sa akin, kasi wala naman talaga akong hilig sa beauty-beauty pageant na 'yan. Beauty lang ang mayroon ako, pero wala akong pageant. Hehehe.
Sige, hanggang dito lang muna Diary. Babye.
***
October 8, 2020
Dear Mr. Diary,
Wala na!
Wala na kami ni Shayne, Mr. Diary. Wala na kami kasi mas pinili niya 'yong lalakeng mukhang curly tops!
'Edi sila na! Wala na akong pakialam sa kanila! Wala naman siguro akong pagkukulang, Mr. Diary noh? Kasi lahat ginawa ko naman para mapasaya ko lang si Shayne. Pero, wala talaga. Hindi niya talaga na-appreciate 'yong effort ko.
Siyempre, hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Minahal ko si Shayne eh. Pero pinipilit ko naman mag-move on kasi ayokong masira ang buhay ko dahil lang sa isang babae.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)