October 25, 2020
Dear Diary,
Nag-pray talaga ako kanina Diary na sana si Keilo na talaga 'yong lalake para sa akin, at ako naman 'yong babae para sa kaniya.
Kasama ko nga siya kanina Diary sa church, at nakita ko rin kanina si Lab na nakaupo sa likod lang namin ni Keilo. Hindi ko na siya masyadong pinansin kasi baka magselos na naman si Keilo. Baka lang din magkagulo. Ayoko pa naman nun.
Pagkatapos naming magsimba, pinasyal na naman ako ni Keilo sa kung saan-saan. Marami kasi kaming pinuntahan kanina. Sa mall, sa park, sa restaurant, basta kumain lang kami ng kumain kanina, Diary.
***
October 25, 2020
Dear Mr. Diary,
Iyong point na napapabayaan mo na ang sarili mo, para lang sa isang bagay na gusto mo.
Ganiyan na kasi ako Mr. Diary. Sa kakaisip ko kay Saturn, hindi ko na napapansin na kailangan ko na palang kumain, kailangan ko na palang matulog, kailangan ko na palang bumangon dahil may pasok pa pala ako.
Ewan ko Mr. Diary. Bumabaliktad na ata ang mundo. Parang ako na kasi itong patay na patay kay Saturn. Kanina sa church, nasaktan talaga ako Mr. Diary nang makita ko silang magkatabi. Naalala ko nga 'yong dati na nagkatabi kami ni babaeng planeta sa church din tapos kinikilig pa siya nun sa akin pero hindi ko lang siya nun pinapansin kasi naiinis ako sa kaniya. Kung puwede lang sanang ibalik ang panahon, ginawa ko na upang maibalik ko 'yong panahon na 'yon at masabi ko rin sa kaniya na gusto ko rin siya. Pero, huli na. Huli na Mr. Diary dahil nakikita ko na siya ngayon na masaya ng may kasamang iba.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)