October 8, 2020
Dear Diary,
Oh la la! Diary!
Kinikilig talaga ako Diary! Kasi kanina nakita ko si Lab na abala sa paghahanap ng kaniyang libro. Hindi niya alam na nasa akin lang naman 'yon. Naiwan niya kasi iyon sa cafeteria, at nung ibinigay ko 'yon sa kaniya, hindi ako makapaniwala Diary, kasi nag 'thank you' siya. Hindi ko sana 'yon kukunin kasi baka pagbintangan na naman niya akong magnanakaw. Pero, naisip ko na baka importante 'yon sa kaniya kaya kinuha ko na lang 'yon at ibinigay sa kaniya. Kawawa naman.
Hanggang ngayon Diary, kinikilig pa rin talaga ako.
Gusto ko pa sana siya nun kausapin pero nagmadali siyang umalis. Sayang!
***
October 8, 2020
Dear Mr. Diary,
Muntik na talaga Mr. Diary! Muntik ka ng mawala! At muntik ka na ring mabasa ng iba.
Kasi kanina naiwan pala kita sa cafeteria. Akala ko nga hindi na kita mahahanap, mabuti na lang nakita ka ni babaeng planeta, at isinauli ka kaagad sa akin.
Tinanong ka pa nga niya sa akin kung ano ka raw nung nakita ka Mr. Diary, ayoko namang may makaalam sa atin kaya sinabi ko na lang sa kaniya na libro ka. Mabuti na lang naniwala siya sa palusot ko. Kasi kung hindi, baka tayo mabuking Mr. Diary. Ayoko pa naman na may makaalam sa ating dalawa, Mr. Diary.
Kaya sa susunod Mr. Diary, iingatan na talaga kita.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)