October 28, 2020
Dear Diary,
Mga baliw talaga mga kaklase ko, Diary. Ako ba naman 'yong pinili nila na magperform sa darating na Literary and Musical Celebration. Kakanta raw ako dahil ako raw 'yong song leader ng section namin. Hindi pa naman ako pumayag dahil hindi naman talaga ako magaling kumanta. At tsaka, ayokong mapahiya dahil alam ko rin na halos lahat ng nagpeperform tuwing Literary and Musical Celebration, lahat magagaling. Lahat sila may talent, na puwede nilang ipagmalaki sa lahat. Eh, paano naman ako, Diary? Ang alam ko sa cr lang namin ako kumakanta.
Kanina lang din Diary, may card na naman akong nakita sa upuan ko, pero hindi ko 'yon nadala kasi si Keilo biglang dumating. Dahil ayokong makita niya 'yon, naitapon ko 'yon kanina sa loob ng room. Hindi ko na rin 'yon binalikan kasi pauwi na kami nun ni Keilo. Pero, bukas Diary, babalikan ko 'yon sa room.
***
October 28, 2020
Dear Mr. Diary,
Badtrip Mr. Diary! Kanina nagkita kami ni Shayne. Gusto ba naman magkabalikan kami! Anong tingin niya sa akin, laruan!? Babalikan na lang niya kapag kailangan niya ng libangan?!
Sa galit ko kanina, Mr. Diary, muntik ko na siyang masapak. Sinabi ko na lang sa kaniya na wala na siyang aasahan sa akin. Matapos niya akong pagsawaan at iwan ng walang dahilan, babalik siya na hindi man lang inisip kung gaano niya ako nun sinaktan. Napakawalang hiya talaga, Mr. Diary! May paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Anong akala niya, maawa ako sa kaniya? Hindi na, Mr. Diary. Mahal ko siya, pero noon 'yon! Galit na ngayon ang bumabalot sa puso ko para sa kaniya.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)