October 1, 2020
Dear Diary,
Diary, anong gagawin ko? Dahil sa nangyari kahapon, binabatikos na rin ako ng ibang studyante. Sinasabihan din nila akong magnanakaw, at kung anu-ano pang masasakit na salita.
First time ko ngang umiyak kanina sa school dahil hindi ko na talaga kaya ang kanilang pambubully sa akin. Hindi ko naman akalain na magiging ganoon sila para lang ipagtanggol si Lab.
Bakit ganun, Diary? Kung sino pa 'yong taong gusto ko, ay siya rin palang magiging dahilan at magbibigay ng sakit at problema sa akin.
Diary, bakit hindi ko magawang magalit kay Lab. Bakit sarili ko pa rin ang sinisisi ko, kahit alam ko naman na wala akong kasalanan?Hanggang ngayon Diary, umiiyak pa rin ako. Kasi nasaktan talaga ako ng sobra sobra. Sana naman tigilan na nila ako. Kasi hindi ko na talaga kaya, Diary.
〒_〒
***
October 1, 2020
Dear Mr. Diary,
Sobrang saya ko ngayon, Mr. Diary! Napakasaya ko ngayon!
Kasi akala ko, hindi na matutuloy 'yond date namin ni Shayne kasi may long quiz pala kami. Mabuti na lang, hindi natuloy, kasi 'yong teacher namin in-LBM. Hehehe.
Napaka-romantic nga 'yong date namin ni Shayne kasi kami lang talagang dalawa. Kahapon ko pa nga hinanda 'yong venue para mas lalong maging romantic. Sulit naman lahat ng effort ko kasi nagustuhan niya talaga.
May sasabihin din pala ako sa'yo, Mr. Diary... Basta atin-atin lang 'to huh!?
Nag-sex kami ni Shayne, kanina. Hehehe.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)