October 26, 2020
Dear Diary,
Kanina Diary, sa school may nag-iwan sa upuan ko ng isang card at isang bulaklak na rose. Akala ko nga kay Keilo nanggaling 'yon, pero hindi pala.
Dito ko na kasi sa bahay binasa 'yong card at ang sabi...
-------------
Hi babaeng planeta,
Alam kong may mahal ka na ngayon pero sana matanggap mo 'yang bulaklak na bigay ko sa'yo.
L.J.
-------------
Natawa nga ako sa babaeng planeta Diary. At tsaka, hindi ko naman alam kung sino 'yon Diary kasi L.J. lang naman 'yong nilagay niya.
Dinala ko naman dito sa bahay 'yong rose at heto sa vase nilagay ko. Alam ko naman na hindi 'yon galing kay Keilo kaya hindi ko na rin 'to pinaalam sa kaniya kasi baka kang siya magalit. Nilihim ko 'to sa kaniya kasi alam kong magkakagulo lang.
Hanggang ngayon Diary, napapaisip pa talaga ako kung sino 'yong nagbigay sa akin. May nalalaman pa talaga siyang card at bulaklak.
Aaminin ko Diary, kinikilig ako, kasi never pa kasi akong nakatanggap ng ganun. First time ko lang kanina. Kaya gusto ko talagang malaman kung sino 'yong nasa likod nun Diary, kasi sasabihin ko talaga sa harap niya na wala na siyang aasahan sa akin.
***
October 26, 2020
Dear Mr. Diary,
Dahil hindi ko magawang sabihin sa personal idinaan ko na lang sa card at bulaklak upang iparamdam kay Saturn ang nararamdaman ko para sa kaniya, Mr. Diary.
Alam kong hindi niya rin 'yon mahahalata na galing sa akin 'yon, kasi hindi ko naman nilagay sa card 'yong pangalan ko. Ang nilagay ko lang kasi ay L.J., stands for Lab Junior.
Alam kong ang baduy nang ginawa ko, Mr. Diary, pero wala na kasi akong ibang maisip na paraan.
Nung nakita niya nga 'yon, hindi ko nga alam kung nagustuhan niya, o ano. Basta ang alam ko, nakita kong nilagay niya sa bag niya 'yong card at 'yong bulaklak. Kahit naman papano, napangiti niya ako sa pagkakataon na 'yon, kasi akala ko itatapon niya lang, pero hindi.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)