October 17, 2020
Dear Diary,
Sa dinami-daming nangyari kanina, muntik na kitang makalimutan ngayong araw Diary!Alam mo ba Diary, kanina sa pageant, hindi ko talaga inaasahan na makakapasok ako sa final three. Dahil dun, sobrang saya na nila mama at papa, at pati na rin 'yong advicer namin na todo support talaga sa akin sa simula pa lang. Masaya at proud rin para sa akin si Keilo na sobrsng ingay kanina kasi todo cheer din sa akin, may dala pa nga siyang tarpaulin na may mukha at pangalan ko. Nakakatuwa talaga Diary. Hindi ko aaakalain na marami pala ang susuporta sa akin kanina.
Hindi ko man nakuha ang corona, atleast nakuha ko naman 'yong puwesto bilang isang first runner up. Sobrang saya ko talaga sa mga oras na 'yon Diary, at hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Masaya rin ako Diary para kay Lab kasi siya ang hinirang bilang Mr. MIT 2020. Kaya, siya rin ang magrerepresent ng school namin para sa darating na pageant sa buong Division.
Nga pala Diary, bukas magsi-celebrate kami! Yeheey!
***
October 17, 2020
Dear Mr. Diary,
Hindi ko aakalain na ako ang magiging Mr. MIT 2020, Mr. Diary!
Siyempre masaya ako! Pero hindi ako makapaniwala na si Shayne ang nanalo bilang Ms. MIT 2020. Para kasi sa akin, at base rin kanina, deserve ni Saturn - babaeng planeta, ang titulo bilang tanghaling Ms. MIT 2020. Alam kong sa simula wala akong nakikitang ganun kay Saturn, pero kanina sa pageant, pinakita niya talaga na deserving siya. Pakiramdam ko nga, may cooking show na naganap kanina, Mr. Diary. Pero, nakikita ko naman kay Saturn na masaya na siya bilang Ms. MIT 2020, First Runner Up. At masaya na rin naman ako para sa kaniya.
Galit nga kanina 'yong boyfriend ni Shayne, kasi kahit sa final three, hindi siya nasama. Hahaha. Buti nga sa kaniya! Ang yabang kasi Mr. Diary. Kainis!
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)