September 27, 2020
Dear Diary,
Ayiehhh!!!
Kinikilig ako Diary.
Ayiehhh!!!
Nakita ko kasi si crush kanina sa church.
Oo nga pala Diary, crush ko na pala 'yong lalakeng mahilig magbasa. Hindi ko pa alam ang pangalan niya Diary, pero malalaman ko rin 'yan!
Iyon na nga, Diary! Ikikuwento ko na lang sa'yo kung ano ang nagyari kanina.
Habang nakikinig ako kanina kay Father, biglang may tumabi sa akin. Sa una hindi ko muna siya pinansin, kasi nakatuon lang talaga ang atensiyon ko kay Father, pero nung sinubukan ko siyang lingunin, ayiehhh! Muntik na akong mapatili nang makita ko siya. Oo Diary! Si crush nakatabi ko sa pag-upo. Kaya hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako.
Kung gwapo siya sa malayuan, naku! Mas lalo siyang gumwapo sa malapitan. In love na nga siguro ako sa kaniya. Ayiehh!
Pero, nalungkot lang ako ng kaunti kanina kasi hindi niya ako pinapansin. Hindi ko rin siya maistorbo kasi ang lalim niya kung makinig kay Father. Napakaseryoso!
Pero minalas lang talaga ako pagdating ng hapon kasi hindi kami nakapagswimming. Kasi naman may dumating na malakas na ulan. Pero, sa next sunday itutuloy pa rin naman namin 'yong swimming.
***
September 27, 2020
Dear Mr. Diary,
Sa ikatlong pagkakataon, nakita ko na naman siya, Mr. Diary! At sa simbahan pa talaga? At ang mas malala, nakatabi ko pa siya sa pag-upo!
Naku! Hindi na 'to tama.
Naiilang nga ako kanina sa kaniya sa church kasi parang nagpapapansin siya sa akin. Hindi ba niya alam na nasa loob kami ng simbahan, tapos ganun na lang siya kanina kung umasta. Grabe! Anong akala niya, magugustuhan ko siya? Tsk. Hindi siya kagandahan. At hindi rin siya 'yong tipong babae na gusto ko. Kaya imposibleng mahulog ako sa kaniya. Napakaimposible!
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)