October 6, 2020
Dear Diary,
Alam mo ba Diary, ang sarap palang kasama si Keilo. Kasi kanina habang nagla-lunch kami, ang dami niyang jokes! Lahat ng jokes niya, bentang-benta sa akin.
May isang jokes nga siya na hanggang ngayon hindi ko pa makalimutan. Gusto mo bang malaman, Diary?
Sige...
Sabi niya, "Knock! knock!"
Sagot ko naman, "Who's there? "
Siya, "Sabi ng bungi."
Ako, "Sabi ng bungi, who?"
Siya, "Sabi ng bungi, ako'y nahuhumaling."
Natawa talaga ako dun Diary. Ewan ko lang sa'yo, Diary kung natawa ka dun. Kasi para talaga sa akin, nakakatawa 'yon.
Ang saya lang talaga namin kanina, Diary. Kahit nagsisimula pa nga lang kami ni Keilo bilang isang magkaibigan, pakiramdam ko, magkakasundo kami sa maraming bagay.
***
October 6, 2020
Dear Mr. Diary,
Bakit ganun Mr. Diary? Nagsisimula pa nga lang ulit kami ni Shayne, bakit parang nanlalabo na siya sa akin? Bakit pakiramdam ko, hindi na niya ako gustong makasama?
Kasi kanina, niyaya ko siyang mag-lunch, pero tinanggihan niya ako. Sabi niya, may lakad daw siya, pero hindi naman niya sinabi sa akin kung saan. Gusto ko sana siyang samahan pero pinigilan niya ako.
Hindi ko talaga maiwasang magduda, Mr. Diary. Malakas kasi ang kutob ko na parang may itinatago si Shayne sa akin.
Kailangan ko talagang malaman iyon Mr. Diary.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)