Day (025)

4 1 0
                                    

October 15, 2020

Dear Diary,


Nakakatuwang isipin Diary na sinabi sa akin ng nag-iinsayo sa akin na nag-improve na raw ako. Gusto ko ngang matawa, kasi hindi ko naman aakalain na magagawa ko 'yon kanina.

Kinakabahan na nga rin ako Diary, kasi sa sabado na ang pageant. Alam ko naman na lahat ng magiging kalaban ko rito sa pageant, lahat sila ay handa na. Pero, heto ako patuloy pa rin sa pag-iinsanyo para lang hindi mapahiya. Kahit papano, ang suwerte ko pa rin naman kasi todo support sina mama at papa sa akin Diary. Si Keilo palagi ring nasa tabi ko kahit binasted ko siya noong mga nakaraang araw. Mayroon din namang may naiinis sa akin, pero hindi ko na lang din sila pinapansin kasi sabi ni mama naiinggit lang daw sila kaya sila naiinis sa akin. Sa tingin ko naman Diary, tama naman si mama, 'di ba?

Sige, hanggang dito lang muna Diary. Babye.

***

October 15, 2020

Dear Mr. Diary,

Salamat naman Mr. Diary kasi kanina nakikita kong nag-iimprove na si babaeng planeta. Ayoko kasing mapahiya kami dahil lang sa kaniya. Kahit naman kasi wala akong hinahangad dito sa pageant na 'to, kahit papano ayoko rin namang mapahiya.

Bukas sabay na rin kami ni babaeng planeta sa pag-papractice kasi last day na mamin bukas para mag-practice. Sa sabado na rin kasi 'yong pageant Mr. Diary eh. Kinakabahan na nga ako.

***

Day 1 to 1O1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon