October 11, 2020
Dear Diary,
Katatapos lang ng laro nina Keilo. At tsaka, panalo sila, Diary!
Wala na nga akong boses ngayon Diary dahil sa kakasigaw ko 'to kanina. Pati rin sina mama at papa tudo suporta talaga kay Keilo. Nagdala pa nga sila ng bote ng 1.5 para pampaingay kapag nakaka-shoot si Keilo. Galing talaga kanina ni Keilo magdala ng bola pero mas magaling si Lab, Diary.
Tama ka Diary! Ka-teammates sina Keilo at Lab. Pero mas maraming nagawang puntos si Lab kesa kay Keilo. Ang galing din naman nung naging kalaban nila, dikit nga ang laban nila kanina, pero dahil sa galing nila Keilo at Lab, nagwagi pa rin ang team nila.
Kaya magbunyi tayo Diary!
***
October 11, 2020
Dear Mr. Diary,
Success!
Panalo tayo Mr. Diary!
Nakakatawa nga kanina 'yong walang kuwentang lalake na pinagpalit sa akin ni Shayne! Hindi niya kasi tanggap na natalo namin sila. Pero nung nakita ako ni Shayne, akala ko matutuwa siya, pero hindi siya masaya. Hindi siya masaya para sa akin.
Nakita ko nga rin kanina Mr. Diary si babaeng planeta. Pansin ko na sinusuportahan niya kanina si Keilo- kateammates ko. Ang saya nga niya kanina lalo na nung nanalo kami. At nung nakatagpo ang tingin namin, nginitian niya agad ako pero agad ko rin naman siyang iniwasan ng tingin. Ewan ko ba, ba't ako naiinis sa kaniya, lalo na kapag tinititigan at nginingitian niya ako. Para kasi siyang patay na patay sa akin. Eh, wala naman siyang aasahan sa akin. Kasi hindi ko siya type.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
Ficción General(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)