October 23, 2020
Dear Diary,
Inamin talaga sa akin ni Keilo, Diary na nagseselos siya kay Lab.
Sinabi ko naman sa kaniya na wala siyang dapat pagselosan kasi crush ko lang naman talaga si Lab. At tsaka, crush is just paghanga. Walang malesya at wala ng ibang ibig sabihin dun.
Hindi ko naman talaga siya gusto. Inaamin ko naman kay Keilo na kinikilig ako minsan kay Lab pero hindi ko talaga siya gusto. Alam ko rin naman na mahal na mahal niya 'yong ex niya. Palagi ko nga 'yong nakikitang umiiyak simula nung naghiwalay sila. Patay na patay kasi 'yon kay Shayne. At tsaka, alam ko rin naman na never din magkakagusto sa akin si Lab. Halata naman!
Nagkita nga kami ni Lab kanina, Diary. Hindi nga lang kami nagkausap kasi nagmamadali si Keilo na ipasyal ako. Hindi ko nga maintindihan kanina si Lab, Diary kasi pakiramdam ko parang may gusto talaga siyang sabihin sa akin, hindi niya lang masabi-sabi. Hindi ko naman alam kung ano 'yon! Ewan ko Diary! Ang weird lang talaga ni Lab ngayong linggo na 'to. Hindi ko siya ma-gets!
***
October 23, 2020
Dear Mr. Diary,
Naiinis talaga ako kay Keilo, Mr. Diary. Palagi kasi siyang nakadikit kay Saturn. At tsaka kanina nung nakita niya ako, inilayo niya agad si Saturn sa akin. Parang takot siya na maagaw ko sa kaniya si Saturn.
Nakakainis nga din Mr. Diary kasi hindi ko maamin-amin kay Saturn na gusto ko na siya. Natatakot ako. Takot ako kasi baka niya lang ako pagtawanan. Ewan ko ba, Mr. Diary. Naguguluhan na talaga ako. Kung puwede lang na mainis ulit ako kay babaeng planeta, ginawa ko na. Pero, hindi ko na magawa, Mr. Diary. Hindi ko na siya kayang kainisan kasi gusto ko na talaga siya Mr. Diary.
***
BINABASA MO ANG
Day 1 to 1O1
General Fiction(On Hold) Sa pamamagitan ng Diary magkakaugnay ang dalawang pusong magkalayo. Credits: Pinterest (Book Cover)